Unti-unti nang dumarami ang mga pasaherong nagtutungo sa BFCT Terminal sa Marikina City para sa mga uuwi ng lalawigan upang doon gunitain ang mga Semana Santa.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, ilang mga pasahero ang naabutang naghihintay ng masasakyang bus habang ang ilan, pasado ala-7 pa ng umaga nagtungo rito para makasigurong hindi maiiwan ng biyahe.
Ilan sa mga biyahe rito ay mga patungong Mindoro, Aklan, Ilo-ilo, Samar at Leyte.
Ayon sa pamunuan ng Terminal, dahil half-day na ngayon sa mga tanggapan ng Pamahalaan at iba pang mga tanggapan ay inaasahan pa nilang kakapal ang bilang ng mga pasahero.
Samantala, sa kabila ng maraming mga pasahero, hindi pa fully booked ang byahe sa BFCT, marami kasi sa mga dating sumasakay sa terminal dito ay lumipat sa PITX dahil nalipat din doon ang byahe ng ilang mga bus. | ulat ni Jaymark Dagala