Aabot sa 515 magsasaka ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Agriculture.
Kasunod ito ng isinusulong na Agri-Fisheries Interventions sa Iloilo kung saan nabigyan naman ng Kadiwa financial grants ang Iloilo Science and Technology University at iba pang eligible Farmers Cooperative and Associations (FCAS).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tumanggap din ng ‘No Objection Letter 1’ ang concerned LGUs sa nabanggit na lalawigan para sa mga infrastructure development projects ng Philippine Rural Development Projects (PRDP).
Bukod pa dito, naiturn-over na rin ng DA ang mga makinarya para sa mga magsasaka kasabay ng mga fishing paraphernalia para naman sa mga mangingisda
Umaasa ang Kalihim na malaking tulong ang mga ipinamahaging kagamitan sa mga magsasaka at mangingisda na magpapalakas ng agrikultura sa kanilang rehiyon.
Layon nitong maging masagana ang ani at pamumuhay ng mga Pilipino partikular sa agricultural sector. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DA