DILG, ginunita ang anibersaryo ng BIDA program ngayong araw sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang paggunita sa anibersaryo ng programang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) sa pamamagitan ng isang ‘BIDA Walk’ na nagtapos sa isang programa sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City ngayong araw.

Kasama ni Sec. Abalos ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor na nagkakaisa laban sa ilegal na droga. Kabilang sa mga nakibahagi sa anibersaryo ng BIDA ay sina dating Senador Manny Pacquiao, dating DILG Secretary Joey Lina, mga alkalde mula sa NCR, Cavite, mga kinatawan mula sa diplomatic corps, mga kinatawan mula sa mga barangay, at law enforcement.

Sinimulan ang ‘BIDA Walk’ sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Pasay at Parañaque City at tsaka nagtungo sa SM Mall of Asia Concert Grounds para sa isang programa at perfromances mula sa iba’t ibang mga artistang nagsilbing mga BIDA ambassador.

Sa talumpati ni Sec. Abalos, ibinahagi nito na sama-sama ang mga eskwelahan, simbahan, at komunidad bilang solusyon upang malabanan ang droga. Mahalaga din umano ang pag-lutas sa ugat ng dahilan ng droga para sa pagbabagong buhay ng mga naging biktima nito.

Ayon din sa DILG, higit sa simbolismo ng BIDA Walk, pinagtitibay nito ang di matitinag na pagkilos ng bansa para sa isang ligtas at malayo sa ilegal na droga na hinaharap para sa lahat ng Pilipino.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us