Aabot sa 16,235 libong pamilya sa Catarman sa Northern Samar ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Emergency Cash Transfer.
Abot sa Php 49,354,400 halaga ng tulong pinasyal ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo na lubhang naapektuhan ng shearline noong Nobyembre 2023.
Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa Php 337,342,720 ang kabuuang halaga na naipagkaloob ng DSWD sa 110,968 na benepisyaryo mula sa Northern Samar.
Bukod sa Catarman, namahagi din ang DSWD sa mga benepisyaryo sa bayan na Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino, Lobos, Capul, at San Isidro.
Nauna nang ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang distribusyon ng financial na tulong para masiguro ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.| ulat ni Rey Ferrer