Tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng pananalasa ng matinding tagtuyot sa bansa.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council nakapagbigay na ang gobyerno ng mahigit ₱404 milyon.
Ipinamahagi ang financial assistance sa mga taga-Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan ng MIMAROPA region.
Ipinadaan ang tulong sa pamamagitan ng Department of Agriculture at ibinahagi ang cash assistance sa halos 30,000 mangingisda na apektado ang pamumuhay dahil sa El Niño.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit ₱1.2 bilyon ang pinsala ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura kung saan ang Region 6 ang pinaka-napuruhan, sinundan naman ito ng MIMAROPA, CALABARZON, Region 9, Region 1 at Region 2.
Ilang bayan at munisipalidad na rin sa Oriental Mindoro at Zamboanga city ang nasa ilalim ngayon ng state of calamity bunsod pa rin ng El Niño phenomenon. | ulat ni Leo Sarne