Arestado ng Taguig City police station ang dalawang suspek kung saan nahulihan ang mga ito ng nasa tinatayang ₱200,000 halaga ng sinasabing shabu.
Ayon sa report ng Southern Police District, pasado alas-5 kahapon, ika-17 ng Marso nang magsagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-station 8 sa may North Daang Hari nang maka-engkwentro ng mga ito ang dalawang suspek na sina alias “Joefel at alias “Linda”.
Agad naaresto ang mga suspek at dito na nakuha sa mga ito ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng ‘white crystalline substances’ na pinaghihinalaang “shabu”.
Nagkakahalaga ang nasabing shabu ng 29.42 grams at may street value na ₱200,056.
Himas rehas na ngayon ang dalawang suspek at inaasahang haharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Lorenz Tanjoco