Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na puspusang ipatupad ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Sa isang kalatas, sinabi ng Kalihim na sa simpleng salita, ang CADC ay ang pagpapalakas ng kakayahan ng militar na protektahan ang pambansang teritoryo at Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ito aniya ay para masiguro na ang lahat ng Pilipino, maging ang mga susunod na henerasyon ay malayang makinabang sa likas yaman na sakop ng teritoryo ng bansa.
Binigyang diin ni Teodoro, na ang CADC ay isang “strategic” na hakbang na hindi na kinakailangan ng mga susunod pang direktiba para ipatupad.
Inaasahan ng kalihim ang mga commander at unit ng AFP na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maisakatuparan ito. | ulat ni Leo Sarne