Pinangunahan mismo ni LTO Chief Asec. Atty. Vigor D. Mendoza II ang pag-iinspeksyon sa terminal ng Basicano Transport Service and Multi-Purpose Cooperative at DMNR Inc. (Divisoria Monumento Novaliches Recto) sa Caloocan-Novaliches area.
Ayon sa LTO Chief, tugon ito sa request ng dalawang transport group para masigurong ligtas ang kanilang mga ipinapasada.
Kasama sa dinala ng LTO ang mobile emission testing machines nito at iba pang equipment para masuri ang road worthiness ng PUVs.
Pinuri naman si Asec. Mendoza ang inisyatibo ng dalawang transport group na nagpapakita aniya ng kanilang malasakit at pagmamahal sa kanilang trabaho at mga pasahero.
“The two transport groups initiated the request for inspection and this only shows good and responsible leadership, as well as genuine concerns for their passengers, on the part of their leaders and members,”
Nakaangkla naman ang isinagawang pag-iinspeksyon sa direktiba ni Transportation Sec. Jaime J. Bautista para masiguro ang road worthiness ng lahat ng PUVs sa bansa.
Kasunod nito, tiniyak rin ni Asec. Mendoza na agad na tatalima ang LTO sa mga request ng transport groups lalo na kung ito ay patungkol sa mabilis at mas komportableng motor vehicle registration. | ulat ni Merry Ann Bastasa