Arestado ng mga tauhan ng Southern Police District ang isa sa dalawang suspek ng snatching.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente alas-9 ng umaga sa kahabaan ng Lawton Ave. Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City kung saan ang biktima ay isang 55 taong gulang na call center agent at isang Cameroonian national na nagpakilalang si Jacquieline.
Habang naglalakad umano si Jacqueline sa naturang kalsada ay bigla na lamang hinablot ng isang riding-in-tandem ang cellphone nito.
Agad na humingi ng tulong ang biktima sa malapit na mobile patrol officers na nagresulta sa pagkakahuli ng isa sa mga suspek, si alyas “Kim”, 22 taong gulang.
Dito na narekober ng mga awtoridad ang cellphone ng biktima.
Pilit namang hinabol ng mga tauham ng Taguig City Police ang ikalawang suspek na si alias “Vincent” subalit nakatakas ito at naiwan ang ginamit na motor kung saan narekober ang itim na bag na may lamang sumpak at tatlong bala. | ulat ni Lorenz Tanjoco