Tiniyak ng pamunuan ng Southern Police Distirct na handa na ang kanilang pwersa para sa darating na Semana Santa.
Ayon sa SPD, nasa halos 6,000 kapulisan ang kanilang ipapakalat sa week-long observance ng Holy Week sa bansa.
Paliwanag ng SPD, sa iba’t ibang lokasyon itatalaga ang nasabing bilang ng mga pulis mula simbahan, malls at iba pang matataong lugar para agad maaksyunan ang mga posibleng security concerns.
300 pulis ang ipapakalat nito sa lahat ng worship areas sa kanilang nasasakupan para maprotektahan at masigurado ang kapayapaan sa oras ng mga religious gathering.
Maliban dito ay ang maglalagay din ang SPD ng mga police assistance helpdesk sa buong nasasakupan nito bilang pagtiyak na payapa ang paggunita sa Semana Santa ngayong taon.
Hindi naman maantala ang regular na check points, foot patrol at iba pang trabaho ng kapulisan dahil may nakalaang mahigit 2,000 pulis para gawin ito.
Sa kabuuan nasa 8,000 pulis ang nakahanda para magbantay at sumaklolo sa anumang pangangailangan ng publiko sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon. | ulat ni Lorenz Tanjoco