Narekober ng PNP mula sa apat na arestadong drug suspek ang kabuuang P22.6 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at sa Iloilo kahapon, Marso 7.
Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nakarating sa Camp Crame, 1.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P12.4 milyon ang nakuha sa dalawang suspek na nahuli sa buy-bust operation sa Celeridad Street, Barangay 111 Pasay City kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Salim Sabtari at Allan Gabas, na kapwa nakalista bilang high-value drug personalities sa drug watchlist.
Habang iniulat naman ni Police Regional Office (PRO) 6 (Western Visayas) Regional Director PBrig. Gen. Jack Wanky na 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon ang nakumpiska sa dalawang arestadong suspek sa operasyon sa Duran St., Brgy. Sto. Rosario, Iloilo City kahapon ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina alias Pada, at alias Ceasar.
Ang mga arestadong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Leo Sarne