Political amendments sa Saligang Batas, inihirit ni Sec. Gadon, para bawas gastos tuwing eleksyon

Nagpadala ng liham si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon sa Kamara at Senado para imungkahi na na isabay na rin sa isinusulong na amiyenda sa 1987 Constitution ang political provisions. Partikular na pinakokonsidera ni Gadon ang pagpapalawig sa termino ng mga kongresista at lokal na opisyal gaya ng gobernador ay alkalde ng hanggang… Continue reading Political amendments sa Saligang Batas, inihirit ni Sec. Gadon, para bawas gastos tuwing eleksyon

Malabon City LGU, nagpatupad ng 30-Minute Shifting break para sa mga traffic enforcer dahil sa mainit na panahon

Ipinatutupad na ang 30-minute shifting break para sa mga traffic enforcer sa Lungsod ng Malabon ngayong tumitindi ang init ng panahon. Ayon kay Malabon City Public Safety and Traffic Management Office Chief Police Col Reynald Medina kailangang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga enforcers na maghapong nakabilad sa araw dahil sa pagmamando ng trapiko.… Continue reading Malabon City LGU, nagpatupad ng 30-Minute Shifting break para sa mga traffic enforcer dahil sa mainit na panahon

DMW, nakipagtulungan sa isang North-American NGO para sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking

Nagsanib-pwersa ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang North American non-government organization na Polaris Project upang labanan ang human trafficking at suportahan ang mga Pilipinong biktima nito. Lumagda sa Memorandum of Collaborative Agreement si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez para sa DMW at si Polaris Project CEO Catherine Chan. Sa… Continue reading DMW, nakipagtulungan sa isang North-American NGO para sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking

Pastor Quiboloy, bigong maaresto sa pag-implementa ng warrant of arres ngayong Miyerkules

Bigong maaresto ng mga operatiba si Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name leader Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City sa pag-implementa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 sa lungsod ngayong araw, Abril 3, 2024. Ito’y para sa kasong child abuse at sexual abuse na isinampa… Continue reading Pastor Quiboloy, bigong maaresto sa pag-implementa ng warrant of arres ngayong Miyerkules

Piso Caravan ng BSP, umarangkada na sa Iligan City

Sinimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Cagayan de Oro Branch ang 2-day Piso Caravan sa Robinsons Iligan City simula Abril 3 hanggang Abril 4, 2024. Layunin ng naturang aktibidad na suriin at palitan ang mga unfit at mutilated na barya at banknotes o mga marurumi, sira-sirang perang papel at polymer sa bagong pera.… Continue reading Piso Caravan ng BSP, umarangkada na sa Iligan City

Lady solon, kinumpirmang tutulong na ang Davao PNP sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Tiwala si Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na bilang na ang masasayang araw ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy dahil lahat na aniya ng institusyon sa Pilipinas ay kumikilos na para mapanagot ito. Binahagi ni Hontiveros na nagpahayag na ang PNP Davao na makikipagtulungan ito sa iba pang… Continue reading Lady solon, kinumpirmang tutulong na ang Davao PNP sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Philippine Army, nagsagawa ng ‘Summer Fun Games’

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang pagbubukas ng “Summer Fun Games” ng Philippine Army Civilian Human Resource (CivHR) sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. Dito’y nagpaligsahan sa iba’t ibang laro ang mga sibilyang empleyado ng Philippine Army na nagsilbing pisikal na ehersisyo sa pamamagitan ng masayang aktibidad. Sa… Continue reading Philippine Army, nagsagawa ng ‘Summer Fun Games’

Klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Negros Oriental, suspendido dahil sa nararanasang mainit na panahon

Suspendido simula ngayong araw, Abril 3 ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Negros Oriental dahil sa nararanasang mainit na panahon dala ng El Niño phenomenon. Nagpalabas ng Executive Order number 24 si Negros Oriental Governor Manuel Sagarbarria alinsunod sa hiling ni Department of Education, Negros Oriental… Continue reading Klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Negros Oriental, suspendido dahil sa nararanasang mainit na panahon

Joint venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech, Inc., idineklarang lowest bidder para sa overseas voting sa 2025 Midterm Elections

Matapos ang maghapon kahapon na pagsusuri sa apat na kompanya, idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang Joint Venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech Inc. bilang lowest bidder para sa Online Voting ng Overseas Filipino sa 2025 Midterm Elections. Ang nasabing joint venture ay nagsumite ng bidding amount na ₱112-million para sa nasabing… Continue reading Joint venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech, Inc., idineklarang lowest bidder para sa overseas voting sa 2025 Midterm Elections

Paggamit ng herbal medicine kontra pertussis, inirerekomenda ni Sen. Francis Tolentino

Iminumungkahi ni Senador Francis Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para malabanan ang pertussis outbreak sa ilang bahagi ngPilipinas. Kabilang sa nirerekomenda ng senador ang paggamit ng lagundi, na isang herbal medicine para sa ubo at sipon. Ayon kay Tolentino, ito muna ang maaaring gamitin sa pagtugon sa pertussis o whooping cough outbreak habang hinihintay… Continue reading Paggamit ng herbal medicine kontra pertussis, inirerekomenda ni Sen. Francis Tolentino