Mga hakbang upang mapigilan ang pagbilis ng inflation, palalakasin pa ng Pamahalaan ayon sa NEDA

Muling tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA ang pangako nito na patatagin ang presyo ng pagkain gayundin ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa kabila ng epekto ng El Niño. Ito ang pagtitiyak ng NEDA kasabay ng ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumilis pa ang inflation rate nitong Marso… Continue reading Mga hakbang upang mapigilan ang pagbilis ng inflation, palalakasin pa ng Pamahalaan ayon sa NEDA

Mambabatas, nais paimbestigahan ang LTFRB chief hinggil sa isyu ng MC taxi

Nais nang paimbestigahan ni Manila Rep. Joel Chua ang nangyayaring isyu sa pagitan ng mga transport group at ng technical working group ng MC taxi. Ayon kay Chua, gusto niya malaman kung paano nangyayari na naiiba ang mga napag-uusapan sa hearing tungkol sa MC taxi subalit iba ang napapatupad sa kalsada. Ilan sa inaaray ng… Continue reading Mambabatas, nais paimbestigahan ang LTFRB chief hinggil sa isyu ng MC taxi

PNP, handang umalalay sa militar kasunod ng nangyaring engkuwentro sa NPA sa Abra kamakailan

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kahandaan nito na tumulong sa militar sa aspeto ng boarder control gayundin sa imbestigasyon. Ito’y kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga tropa ng Army’s 50th Infrantry Battalion at ng New People’s Army sa bahagi ng Pilar, Abra kamakailan. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi… Continue reading PNP, handang umalalay sa militar kasunod ng nangyaring engkuwentro sa NPA sa Abra kamakailan

Mga motorista sa Metro Manila, pinaghahanda ng MMDA kasunod ng kaliwa’t kanang pagkukumpuni sa mga pangunahing tulay at lansangan

Asahan na ang kaliwa’t kanang mga pagkukumpuni sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong Abril. Kabilang na rito ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang partial closure sa southbound lane ng Kamuning flyover dahil sa gagawing retrofitting na tatagal ng 11 buwan mula Abril… Continue reading Mga motorista sa Metro Manila, pinaghahanda ng MMDA kasunod ng kaliwa’t kanang pagkukumpuni sa mga pangunahing tulay at lansangan

Bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, umakyat na sa 4 — DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umakyat na sa apat ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan kamakalawa. Sa kaniyang “X” post, sinabi ni DMW Officer-In-Charge Usec. Hans Leo Cacdac na ang ika-apat na OFW ay nagtamo ng minor injuries matapos tamaan sa ulo ng… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, umakyat na sa 4 — DMW

NLEX, nagpalit na ng RFID sticker na gawang US para solusyunan ang hindi nababasang stickers

Sinimulan na ng NLEX ang pagpapalit ng kanilang RFID readers at stickers. Sa pulong na ipinatawag ng Kamara, sinabi ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na para solusyunan ang problema ng non-reading o hindi nababasang RFID ay nagpalit na ang NLEX ng brand na gamit. Aminado aniya ang operator ng NLEX na nang ipatupad ang… Continue reading NLEX, nagpalit na ng RFID sticker na gawang US para solusyunan ang hindi nababasang stickers

DSWD, pinaigting ang suporta sa Cordillera Region sa pagtugon sa El Niño

Pinalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ugnayan nito sa mga regional government offices at LGU sa Cordillera Administrative Region (CAR) para maalalayan ang mga ito sa pagtugon sa epekto ng El Niño. Kasunod ito ng isinagawang ceremonial signing para sa Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay ng pagpapatupad sa rehiyon sa Project… Continue reading DSWD, pinaigting ang suporta sa Cordillera Region sa pagtugon sa El Niño

Kamara at Senado, dapat pa rin ituloy ang economic cha-cha sa kabila ng Pulse Asia Survey —House panel chair

Hinimok ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez ang Kamara at Senado na panindigan ang pagsusulong ng economic charter change. Ito’y kahit pa lumabas sa survey ng Pulse Asia na mayorya ng mga Pilipino ang hindi sumusuporta sa charter amendments. Ayon kay Rodriguez, masisira ang imahe ng bansa sa investing community kung mag… Continue reading Kamara at Senado, dapat pa rin ituloy ang economic cha-cha sa kabila ng Pulse Asia Survey —House panel chair

PSA, nilinaw na walang leak sa National ID database

Pinabulaanan ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng data leak sa National ID system.   Kasunod ito ng ilang kumakalat na impormasyon sa social media kaugnay ng umano’y massive hacking attack sa database ng National ID. Ayon sa PSA, agad itong nagkasa ng imbestigasyon upang beripikahin ang impormasyon at lumabas sa inisyal na assessment… Continue reading PSA, nilinaw na walang leak sa National ID database

Bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño, sumampa na sa kalahating milyon

Muli pang nadagdagan ang bilang ng mga mamamayang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa. Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit sa 100,000 na pamilya o katumbas ng higit kalahating milyon na indibidwal na apektado ng El Niño. Kabilang sa pinaka-apektado ang Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at BARMM. Kasunod nito, ang… Continue reading Bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño, sumampa na sa kalahating milyon