Sen. Tolentino, hinimok ang pamahalaan na humingi ng tulong sa US para sa pagsasagawa ng cloud seeding

Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na hingiin ang tulong ng Estados Unidos para maibsan ang epekto ng nararanasang El Niño ng bansa. Sinabi ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones chairman na para madagdagan ang value ng kinakasang maritime cooperation ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa West Philippine Sea (WPS), dapat ay… Continue reading Sen. Tolentino, hinimok ang pamahalaan na humingi ng tulong sa US para sa pagsasagawa ng cloud seeding

LRT-2, mananatiling regular ang operasyon sa Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ng regular na operasyon ang LRT-2 bukas, April 9 (Araw ng Kagitingan) at sa Miyerkules, April 10 (Eid’l Fitr). Ito ay para makapagserbisyo sa mga pasahero ng LRT-2 sa mga naturang araw. Samantala, aarangkada ang Libreng Sakay sa LRT-2 para sa lahat ng mga pasahero bukas… Continue reading LRT-2, mananatiling regular ang operasyon sa Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Mahigit 200 foreign nationals, hindi pinapasok ng bansa – BI  

Iba’t ibang foreign nationals ang rejected o hindi pinapasok sa Pilipinas para lang sa buwan ng Marso ngayong taon. Ayon sa Bureau of Immigration (BI), 150 dito ay pawang mga Vietnamese, 30 Chinese, 14 Indonesians at iba pa. Ayon sa report kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang dahilan ng madaming rejections o denials ng Vietnamese… Continue reading Mahigit 200 foreign nationals, hindi pinapasok ng bansa – BI  

Dagdag na mapagkukunan ng suplay ng tubig, ipinanawagan ni Sen. Gatchalian

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na maghanap ng mga potensyal na mapagkukunan ng tubig para matugunan ang kakulangan ng suplay sa gitna ng patuloy na El Niño weather phenomenon. Ayon kay Gatchalian, kailangang bumuo ang gobyerno ng isang komprehensibong programa na sapat na tutugon sa kakulangang ito. Nauna nang inihain ng senador ang… Continue reading Dagdag na mapagkukunan ng suplay ng tubig, ipinanawagan ni Sen. Gatchalian

Mga motoristang lumabag sa batas trapiko simula nang suspindihin ang NCAP, umabot na sa mahigit 500,000 – MMDA

Bagamat suspindido ang ‘No-Contact Apprehension Policy’ (NCAP), patuloy ang pagmo-monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang lumabag sa batas trapiko. Ayon sa MMDA, ito ay upang madisiplina at mapanatili ang kaayusan sa mga kalsada sa Metro Manila. Batay sa datos ng MMDA simula August 30, 2022 hanggang March 2024 pumalo na sa… Continue reading Mga motoristang lumabag sa batas trapiko simula nang suspindihin ang NCAP, umabot na sa mahigit 500,000 – MMDA

2 barko ng Chinese Navy, walang nagawa sa mga barko ng 4 na bansa sa MMCA sa WPS

Hindi hinamon ng dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang mga barkong pandigma ng Pilipinas, Australia, Japan at Estados Unidos na nagsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea (WPS) kahapon. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. nakabuntot ang dalawang barko… Continue reading 2 barko ng Chinese Navy, walang nagawa sa mga barko ng 4 na bansa sa MMCA sa WPS

Pagpapalawak ng Pasig River Ferry Service, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak ng Pasig River Ferry Service sa Laguna de Bay at Manila Bay. Ang mga proyektong ito ay bilang tugon sa Executive Order No. 35 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may layuning buhayin muli ang ganda at sigla ng Ilog Pasig, para sa transportasyon at… Continue reading Pagpapalawak ng Pasig River Ferry Service, pinag-aaralan na

Joint Circular para isaayos ang pondo ng LGUs, nilagdaan na ni DILG Sec. Abalos

Photo courtesy of DILG FB page

Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, nilagdaan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Joint Memorandum Circular, para sa maayos na pangangasiwa ng pondo ng local government units (LGUs). Sa pamamagitan nito, tunay nang matutugunan ang mga programa at proyektong pinaglalaanan ng pondo para sa mga komunidad.… Continue reading Joint Circular para isaayos ang pondo ng LGUs, nilagdaan na ni DILG Sec. Abalos

High tech na mga pasilidad, ipinasilip ng STI sa PNP

Hindi na nagsayang ng oras ang pamunuan ng STICollege para ipakita sa Philippine National Police (PNP) ang kakayahan nito na makapag-ambag sa modernisasyon ng PNP. Sa ginawang pakikipag ugnayan ng PNP sa STI para sa police modernization commitment ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, ikinagulat ng kapulisan ang kapabalidad ng teknolohiyang ipinakita ng STI.  Dito… Continue reading High tech na mga pasilidad, ipinasilip ng STI sa PNP

Sen. Tolentino, hinimok ang DOH na maglabas ng advisory tungkol sa seasonal illnesses at iba pang health issues

Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) na maglabas ng mga advisory para magabayan ang publiko tungkol sa mga seasonal na sakit at health issues na sumusulpot sa buong taon. Ito ay kasabay ng pagkabahala ng senador sa tumataas na kaso ng tigdas, pertussis, rabies infection at iba pang sakit na dulot… Continue reading Sen. Tolentino, hinimok ang DOH na maglabas ng advisory tungkol sa seasonal illnesses at iba pang health issues