Senate President Zubiri, ginawaran ng ranggong Lt Col. sa Phil. Army Reserve

Pormal na iginawad ang ranggong Lt. Col. sa Philippine Army Reserve kay Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw sa Camp Aguinaldo. Ang donning of ranks ceremony ay pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. Sa kanyang pahayag, malugod na tinanggap ni Gen. Brawner si Lt. Col. Zubiri… Continue reading Senate President Zubiri, ginawaran ng ranggong Lt Col. sa Phil. Army Reserve

Mga tanggapan ng DSWD, pansamantalang isasara sa Abril 9-10

Nag-abiso na ang Department of Social Welfare and Development na pansamantalang isasara simula bukas, Abril 9 ang lahat ng tanggapan nito. Ito’y para bigyang daan ang pagdiriwang ng Aaraw ng Kagitingan at Eid’l Fitr na parehong idineklarang regular holiday. Alinsunod ito sa Proclamation No. 368 at 514 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.… Continue reading Mga tanggapan ng DSWD, pansamantalang isasara sa Abril 9-10

Kamara, tututukan ang sitwasyon ng onion farmers kasunod ng ulat ng patuloy na pananamantala ng mga trader

Nakabantay ngayon ang Kamara sa sitwasyon ng mga magsasaka ng sibuyas sa bansa kasunod ng napaulat na pananamantala muli ng mga trader. Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nakikipagtulungan sila ngayon sa House Committee on Agriculture at iba pang ahensya ng pamahalaan para bantayan ang kalagayan ng onion farmers. Nakatanggap kasi aniya sila… Continue reading Kamara, tututukan ang sitwasyon ng onion farmers kasunod ng ulat ng patuloy na pananamantala ng mga trader

Manila Water, magpapatupad ng 3 buwang maintenance works sa bahagi ng Cainta, Rizal

Simula ngayong araw, Abril 8, ipapatupad ng Manila Water ang Looping and Interconnection Project sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa Cainta, Rizal. Sa abiso ng water concessionaire, maglalatag ng 2200 mm (millimeter) x 300 mm line sa bahagi ng Ortigas Extension. Gagawin ang aktibidad tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw at… Continue reading Manila Water, magpapatupad ng 3 buwang maintenance works sa bahagi ng Cainta, Rizal

Multilateral maritime cooperative activity ng US, PH, Japan, at Australia, malaking tulong sa interoperability ng navy ng apat na bansa

Matagal nang plinano ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan ang multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., malaking tulong ang mga ganitong aktibidad lalo na sa linya ng interoperability ng apat na bansa. “The cruises that we are doing, something that have been planned for… Continue reading Multilateral maritime cooperative activity ng US, PH, Japan, at Australia, malaking tulong sa interoperability ng navy ng apat na bansa

Magnitude 4 na lindol, tumama sa Rizal, Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bahagi ng Rizal sa Occidental Mindoro ngayong tanghali. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang 12:37 ng tanghali naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 19km Timog Kanluran ng naturang bayan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometro sa… Continue reading Magnitude 4 na lindol, tumama sa Rizal, Occidental Mindoro

VP Sara Duterte, hinimok ang mga kabataan na maging negosyante

Hinimok ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga kabataan na pag-aralan ang kabutihan ng pamumuhunan. Ito ang tinuran ng Pangalawang Pangulo nang maging panauhing pandangal ito sa isinagawang Youthpreneur sa Rizal Highschool sa Pasig City ngayong umaga. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni VP Sara na ngayong may sapat nang kaalaman ang mga… Continue reading VP Sara Duterte, hinimok ang mga kabataan na maging negosyante

‘Saad nga Balay’ project, tinanggap ng mga dating rebelde sa San Jose de Buan, Samar

Lubos ang pasasalamat sa pamahalaan ng mga dating rebelde na nakatanggap ng pabahay sa San Jose de Buan, Samar sa ilalim ng “Saad nga Balay” initiative o houses for former rebels. Pinangunahan ang turnover ceremony ng nasabing proyekto nina Senador Robinhood Padilla, Samar Governor Sharee Ann Tan, San Jose de Buan Mayor Joaquin, San Jose… Continue reading ‘Saad nga Balay’ project, tinanggap ng mga dating rebelde sa San Jose de Buan, Samar

Cebu-Negros-Panay 230-kV project, milestone sa power infra na magsusulong pa sa pag-unlad ng Visayas — PBBM

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone ngayong araw (April 8). Bahagi ito ng nakatakdang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas. Sabay-sabay na pinagana ang Cebu-Negros-Panay Backbone sa mga lalawigan ng Iloilo, Negros Occidental at Cebu sa seremonya sa… Continue reading Cebu-Negros-Panay 230-kV project, milestone sa power infra na magsusulong pa sa pag-unlad ng Visayas — PBBM

Ilang motorista, sang-ayon sa mga tinuran ng Pangulo hinggil sa pagresolba sa problema ng trapiko

Sinang-ayunan ng ilang motorista ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa mga sala-salabat na mga problema ng publiko sa trapiko. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may ilang motorista na nagsabing nauunawaan nila ang panawagan ng Pangulo na magtiyaga muna habang sinosulusyunan ang problema. Magugunitang sa vlog ni Pangulong Marcos, kabilang sa… Continue reading Ilang motorista, sang-ayon sa mga tinuran ng Pangulo hinggil sa pagresolba sa problema ng trapiko