Ekonomiya ng Pilipinas, makikinabang sa makasaysayang PBBM-Biden-Kishida trilateral meet

Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang nakatakdang trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa lider ng Kamara, malaki ang magiging benepisyo nito sa ekonomiya ng bansa at pangkalahatan ng mga Pilipino. Ang naturang pulong na gaganapin sa Washington sa… Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, makikinabang sa makasaysayang PBBM-Biden-Kishida trilateral meet

Deadline ng ‘jeepney consolidation’ hanggang April 30 na lang at hindi na palalawigin pa – Pangulong Marcos Jr.

Hindi na palalawigin pa ang ‘jeepney consolidation’ o pagsasama-sama ng mga operator at driver sa isang kooperatiba o korporasyon para sa Public Utility Modernization Program (PUVMP). Ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pahayag sa katatapos na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Bagong Pilipinas Townhall Meeting ngayong araw. Ayon sa Pangulo, wala ng extension… Continue reading Deadline ng ‘jeepney consolidation’ hanggang April 30 na lang at hindi na palalawigin pa – Pangulong Marcos Jr.

Pagpapaunlad ng housing units sa Bataan, palalakasin pa

Isinapinal na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang partnership sa Balanga City Government sa Bataan. Ayon sa DHSUD, ito ay para sa housing project na ibibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pormal na nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose… Continue reading Pagpapaunlad ng housing units sa Bataan, palalakasin pa

Bilang ng LGU sa W Visayas na nakabalik na sa ASF-Free status, umakyat na sa 15

Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga local government unit (LGU) sa Western Visayas na bumalik na sa ASF Free status at ngayon ay isinailalim na sa Pink Zone. Ayon sa Department of Agriculture Western Visayas (DA-WV), ASF-Free na ulit ang Iloilo City, Banate, Batad, Barotac Viejo, Concepcion, Dingle, Mina, New Lucena, at Oton… Continue reading Bilang ng LGU sa W Visayas na nakabalik na sa ASF-Free status, umakyat na sa 15

Pangulong Marcos Jr., umaasang magiging mabunga ang gagawing pagbisita sa US ngayong linggo

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging mabunga ang kaniyang pagkikipagpulong sa Japan at Estados Unidos, ngayong linggo. Sa departure speech ng Pangulo, sinabi nito na palalakasin ng tatlong bansa ang kooperasyon nito sa pagsusulong ng ekonomiya. Critical infrastructure, cybersecurity, defense, maritime cooperation. “During this Summit, I will underscore the importance of enhancing… Continue reading Pangulong Marcos Jr., umaasang magiging mabunga ang gagawing pagbisita sa US ngayong linggo

Big tickets na transport project ng pamahalaan, makatutulong na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – DOTr

Binigyang diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na ang konstruksyon ng mga transport infrastructure project ng pamahalaan gaya ng ginagawang mga railway system ang nakikitang permanenteng solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila. Ito ang inihayag ni Bautista sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw. Ayon… Continue reading Big tickets na transport project ng pamahalaan, makatutulong na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – DOTr

Pangulong Marcos Jr., naniniwalang sagot sa problema ng trapik ang episyenteng mass transit system

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sagot sa problema ng trapik ang pinahusay na mass transit sa bansa. Sa open forum sa ginawang “Bagong Pilipinas” traffic town hall summit sa San Juan sinabi ng Pangulo, na minamadali na ng gobyerno sa ngayon ang mass transit system upang mabawasan ang mga sasakyan sa kalsada.… Continue reading Pangulong Marcos Jr., naniniwalang sagot sa problema ng trapik ang episyenteng mass transit system

Application period para sa StartUp QC Business Plan Competition, natapos na

Pormal nang tinapos ng Quezon City government ang application period nito para sa StartUp QC Business Plan Competition. Inisyatibo ito ng pamahalaang lungsod na nagbibigay ng financial grants at mentorship sa mga estudyanteng may innovative start-up ventures. Ayon sa QC LGU, 82 grupo ng mga estudyante mula sa 23 universities, colleges, at senior high schools… Continue reading Application period para sa StartUp QC Business Plan Competition, natapos na

QC Jail, makakaasa pa ng tulong sa QC LGU para sa maayos na pasilidad at mga PDL

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na makakaasa ng tulong ang Quezon City Jail Mail Dormitory mula sa pamahalaang lungsod. Pahayag ito ng alkalde nang mabatid ang mga pangangailangan pa ng jail facility at Persons Deprived of Liberty (PDLs). Tulad sa QC Jail Female Dorm, nais ni Mayor Joy na magkaroon ng iba-ibang oportunidad… Continue reading QC Jail, makakaasa pa ng tulong sa QC LGU para sa maayos na pasilidad at mga PDL

Malawak na suporta ng mga Pilipino sa administrasyon ni PBBM, nagpapakita na ramdam ng taumbayan ang serbisyo ng gobyerno — SDS Gonzales

Kinilala ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang resulta ng pinakahuling OCTA Research survey kung saan lumabas na 31% ng mga Pilipino ang suportado ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang 4% lang ang sa oposisyon. Aniya, ang resultang ito ng survey ay nagpapakita na nararamdaman ng bawat… Continue reading Malawak na suporta ng mga Pilipino sa administrasyon ni PBBM, nagpapakita na ramdam ng taumbayan ang serbisyo ng gobyerno — SDS Gonzales