Mas maagang work schedule sa LGUs sa Metro Manila, ipatutupad na sa May 2 sa halip na April 15

Napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na sa May 2, 2024 na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang mas maagang work schedule na 7AM hanggang 4PM. Sa pulong balitaan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City, sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora,… Continue reading Mas maagang work schedule sa LGUs sa Metro Manila, ipatutupad na sa May 2 sa halip na April 15

Pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng wang-wang, pinaboran ni Sen. JV Ejercito

Welcome kay Senator JV Ejercito ang utos ng Malacañang na pagbawalan ang mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na gumamit ng wang-wang, blinkers at iba pang signaling devices sa mga sasakyan. Ito lalo na aniya’t tila nagiging trend na ngayon ang paggamit ng mga sirena, blinkers, at highway patrol group escorts sa mga opisyal ng… Continue reading Pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng wang-wang, pinaboran ni Sen. JV Ejercito

Japan-PH-US Humanitarian Assistance and Disaster Response exercise, ilulunsad

Nakatakdang magsagawa ang Japan, Pilipinas at Estados Unidos ng Humanitarian Assistance and Disaster Response exercise na naglalayong mas mapaigting pa ang tulungan sa anomang panahon ng krisis. Sa inilabas na Joint Vision Statement nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagkasundo ang tatlong lider na palakasin… Continue reading Japan-PH-US Humanitarian Assistance and Disaster Response exercise, ilulunsad

Mahigit 50,000 mga pasahero, naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng LRT-2 sa Araw ng Kagitingan

Umabot sa 53,878 na mga pasahero ng LRT-2 ang nabenepisyuhan ng Libreng Sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes, April 9 bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan. Ang libreng sakay ay nagsimula ng alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Samantala, 32… Continue reading Mahigit 50,000 mga pasahero, naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng LRT-2 sa Araw ng Kagitingan

Pilipinas, Japan at US, bumuo ng partnership na mag-uugnay ng pangunahin economic hubs sa Luzon

Kasunod ng isinagawang trilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay ang paglulunsad ng connectivity project na magpapalakas sa ugnayan ng mga pangunahing local economic hubs sa Luzon. Sa joint statement na inilabas ng tatlong lider, ito ay tinawag na Luzon Economic Corridor na… Continue reading Pilipinas, Japan at US, bumuo ng partnership na mag-uugnay ng pangunahin economic hubs sa Luzon

Palay production sa bansa at NFA rice buffer stock, inaasahang tatatag

Lalakas ang produksyon ng palay sa bansa at mas maraming lupa ang matataniman ng mga magsasaka. Ito ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa ay ilan lamang sa mga positibong epekto ng pagtataas ng buying price ng palay. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na mai-engganyo kasi ang mga magsasaka na magtanim ng… Continue reading Palay production sa bansa at NFA rice buffer stock, inaasahang tatatag

Lithuania, nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law

Patuloy ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Pilipinas sa gitna ng agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea (WPS). Pinakahuli dito ang Lithuania, na nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law. Ito’y sa pagbisita ni H.E. Ricardas Slepavicius, ang Non-Resident Ambassador of Lithuania to the Philippines, at Mr.… Continue reading Lithuania, nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law

Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, asahan na sa mga susunod na linggo

Isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang guidelines para sa pamamahagi ng fuel subsidy ng gobyerno sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda. “Inaayos lang dito iyong guidelines sa mga susunod na araw ay ilalabas na rin itong fuel assistance para sa ating mga magsasaka at mangingisda.” —de Mesa. Pahayag ito ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de… Continue reading Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, asahan na sa mga susunod na linggo

Sen. Chiz Escudero, inaming sa kaniya naka-isyu ang protocol license plate na nahuli sa EDSA busway kahapon

Inamin ni Senador Chiz Escudero na sa kanya naka-isyu ang protocol license plate no. 7 na nahuli ng MMDA matapos dumaan sa EDSA Busway. Matatandaang matapos masita ay iniwan lang ng driver ng sasakyan ang kanyang lisensya saka umalis. Gayunpaman, nilinaw ni Escudero na hindi awtorisado ang naging paggamit ng protocol plate dahil ang sasakyan… Continue reading Sen. Chiz Escudero, inaming sa kaniya naka-isyu ang protocol license plate na nahuli sa EDSA busway kahapon

Lumabag sa bus lane na nagpakilalang miyembro ng AFP at pamangkin ng PNP General, hindi kukinsintihin ng AFP

Hindi kukunsintihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anumang pagkilos ng kanilang mga miyembro na labag sa batas at nakakasama sa imahen ng organisasayon. Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kaugnay ng Facebook post ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) na video ng isang… Continue reading Lumabag sa bus lane na nagpakilalang miyembro ng AFP at pamangkin ng PNP General, hindi kukinsintihin ng AFP