Naitalang init ng panahon sa QC, pumalo sa 39°Celsius kaninang hapon

Matindi pa rin ang init ng panahon na naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila partikular sa Quezon City kaninang hapon. Hanggang kaninang alas-3:01 ng hapon, pumalo pa sa 39 degrees Celsius ang heat index o init factor ang naitala sa Science Garden sa Quezon City. Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management… Continue reading Naitalang init ng panahon sa QC, pumalo sa 39°Celsius kaninang hapon

DSWD, dinala na ang 4Ps sa probinsya ng Batanes

Inilunsad na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Basco, Batanes. Ang hakbang ng DSWD ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan na dalhin ang programa nito palapit sa mga mamamayan. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Marites Maristela, mayroon lamang mababang poverty incidence rate sa Batanes… Continue reading DSWD, dinala na ang 4Ps sa probinsya ng Batanes

3.2 milyong backlog sa plastic cards, makukumpleto na -LTO

Tiwala si Land Transportation Office (LTO) Chief, Vigor Mendoza II na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45 araw. Sinabi ito ni Mendoza nang muli silang nakatanggap ng 600,000 pang piraso ng plastic card na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license . Ang delivery aniya ng… Continue reading 3.2 milyong backlog sa plastic cards, makukumpleto na -LTO

Iba’t ibang de-kalidad na mga produkto, mabibili sa abot-kayang halaga sa Kadiwa ng Pangulo sa Pasig

Muling umarangkada sa Lungsod ng Pasig ang Kadiwa ng Pangulo. Ito ay matatagpuan sa Barangay Sta. Rosa Covered Court kung saan tampok ang samu’t saring de-kalidad na mga produkto. Gaya ng sariwang gulay, prutas at bigas na P39 kada kilo, pero hanggang limang kilo lang ang maaaring bilhin ng bawa’t mamimili. Tampok din dito ang… Continue reading Iba’t ibang de-kalidad na mga produkto, mabibili sa abot-kayang halaga sa Kadiwa ng Pangulo sa Pasig

AFP Chief, pinuri ang SOCOM sa kanilang dedikasyon sa serbisyo

Photo courtesy of SSg Ambay/PAOAFP

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang AFP Special Operations Command (SOCOM) sa kanilang dedikasyon sa serbisyo bilang pangunahing “special force operator” ng militar. Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Brawner sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng SOCOM sa Fort Magsaysay, Nueva… Continue reading AFP Chief, pinuri ang SOCOM sa kanilang dedikasyon sa serbisyo

DA Chief, nag-inspeksyon sa Coconut Trading at Processing Center sa Cam Sur

Photo courtesy of Department of Agriculture

Binisita na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Sustainable Agriculture and Fisheries Enterprise Innovation Hub sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang P230 million na pasilidad ay pinondohan ng Philippine Coconut Authority. Layon nito na matulungan ang coconut farmers sa rehiyon, sa pamamamagitan ng pagsisilbi bilang trading… Continue reading DA Chief, nag-inspeksyon sa Coconut Trading at Processing Center sa Cam Sur

P13.3-B halaga ng shabu, nakumpiska sa Batangas

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang P13.3 bilyong halaga ng shabu mula sa isang suspek na sinita sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas kaninang pasado alas-8 ng umaga. Sa ulat ng Alitagtag Municipal Police Station (MPS) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Ajalon Michael Zarate, residente ng Project 4, Masagana, Quezon… Continue reading P13.3-B halaga ng shabu, nakumpiska sa Batangas

Higit 200,000 benepisyaryo, natulungan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD

Umabot na sa 219,599 benepisyaryo ang natulungan ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa DSWD, layon nito na mapabuti ang socio-economic condition ng program participant na naabutan ng tulong, tungo sa mas kapaki-pakinabang na pangkabuhayan at trabaho. Sakop ng programa ang Micro-Enterprise Development (MD) Track, na nakatuon sa… Continue reading Higit 200,000 benepisyaryo, natulungan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD

‘Gentleman’s agreement’ na pinasok ni ex-PRRD at China ‘constitutionally void’ —House Leader

Sinabi ni Deputy Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na walang bisa ang “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at China. Ayon kay Gonzalez., gaya ng pagkagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y “secret agreement” maging siya ay natakot sa ideyang may kasunduan na naglalagay sa alanganin sa… Continue reading ‘Gentleman’s agreement’ na pinasok ni ex-PRRD at China ‘constitutionally void’ —House Leader

Sen. Grace Poe, iminungkahi ang paglalabas ng travel advisory sa Iran at Israel

Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na maglabas ng travel advisory kontra sa pagbiyahe sa Israel at Iran. Ito ay sa gitna ng pagpapadala ng Iran ng drones at missiles sa Israel. Nanawagan rin si Poe sa embassy officers ng Pilipinas sa dalawang bansang ito na patuloy na i-monitor ang… Continue reading Sen. Grace Poe, iminungkahi ang paglalabas ng travel advisory sa Iran at Israel