DMW, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 3 OFW na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa UAE

Ipinaabot ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE). Sa isang pahayag, tiniyak din ni Cacdac ang buong tulong at suporta na kanilang ibibigay sa mga pamilyang naulila ng… Continue reading DMW, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 3 OFW na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa UAE

Militar, namagitan sa sagupaan ng 2 armadong grupo sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na namagitan ang militar at Coordinating Committee on the Cessation for Hostilities (CCCH) sa sagupaan ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Matilac, na dating sakop ng bayan ng Pigcawayan sa SGA-BARMM. Ito’y matapos na personal na kausapin ni 6ID Assistant Division Commander at CCCH Chairman Brigadier General Nasser Lidasan ang mga pinuno ng dalawang… Continue reading Militar, namagitan sa sagupaan ng 2 armadong grupo sa Maguindanao del Norte

Presyo ng galunggong at kamatis, bumaba nitong unang bahagi ng Abril

Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumaba ng tatlong piso ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na umabot sa P204.05 ang kada kilo noong unang bahagi… Continue reading Presyo ng galunggong at kamatis, bumaba nitong unang bahagi ng Abril

Air tight na kaso sa mga nasa likod ng ilegal na drogang nasabat sa Batangas, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na katulong nila ang Prosecutors Office para masiguro na air tight ang kaso laban sa mga nasa likod ng malaking bulto ng shabu na nasabat noong Lunes sa Alitagtag, Batangas. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PGen. Marbil na kasalukuyang nagsasagawa… Continue reading Air tight na kaso sa mga nasa likod ng ilegal na drogang nasabat sa Batangas, tiniyak ng PNP

Sukat ng itlog, apektado na rin ng El Niño

Nananatiling mura ang presyo ng itlog sa mga pamilihan subalit kapansin-pansin na may mga pagbabago sa sukat nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, bahagyang lumiit ang sukat ng itlog bunsod na rin ng mainit na panahon na pinalala pa ng epekto ng El Niño. Batay sa monitoring, bumaba ng mahigit… Continue reading Sukat ng itlog, apektado na rin ng El Niño

Resulta ng UPCAT 2024, inilabas na

Lumabas na ang resulta ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) para sa Academic Year (AY) 2024-2025. Maaaring makita ang resulta ng entrance examination sa UPCAT portal o sa upcat2024results.up.edu.ph Kailangan lamang na ilagay ng mga aplikante ang kanilang username at password na ginamit sa aplikasyon sa portal para makita ang resulta. Para… Continue reading Resulta ng UPCAT 2024, inilabas na

Hanging bridge sa Albay, naputol; 15 mag-aaral, sugatan

Sugatan ang 15 mag-aaral matapos na maputol ang tinatawiran nilang hanging bridge sa Brgy. It-ba, Manito, Albay, alas-6 ng gabi ng Abril 17, 2024. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection Manito Fire Station, papauwi na sana ang mga estudyante galing ng paaralan ng aksidenteng maputol at bumagsak ang tinatawiran nitong hanging bridge. Agad namang… Continue reading Hanging bridge sa Albay, naputol; 15 mag-aaral, sugatan

Dalawang marine mammals, natagpuan natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Caraga region

Isang sperm whale na naaagnas na ang napadpad sa Magpuoungko Rock Pools sa Barangay Pilaring sa bayan ng Pilar, Surigao del Norte. Sa litratong ibinahagi ng Philippine Coast Guard Station Siargao, makikita ang balyenang wala nang buhay sa Magpupungko Rock Pools, lugar na tanyag na paliguan sa Siargao Island. Kinumpirma ng Coast guard na isang… Continue reading Dalawang marine mammals, natagpuan natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Caraga region

LGU, pribadong sektor, hinimok na bantayan ang tamang implementasyon ng benepisyo para sa mga solo parent

Nanawagan ngayon si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan sa mga lokal na pamahalaan na mag doble kayod para maipatupad ang dagdag benepisyo para sa mga single mother at fathers, lalo na ang P1,000 buwanang subsidy para sa mga kumikita ng minimimum o mas mabab sa minimum wage. Ito’y sa gitna ng paggunita sa Solo… Continue reading LGU, pribadong sektor, hinimok na bantayan ang tamang implementasyon ng benepisyo para sa mga solo parent