Immigration consultancy firm sa Mandaluyong City na umano’y sangkot sa illegal recruitment, ipinasara ng DMW

Sa bisa ng closure order, ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) sa tulong ng Mandaluyong Police ang isang kumpanya sa lungsod na sangkot umano sa illegal recruitment. Sa pangunguna ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, isinara ang immigration consultancy firm na nambibiktima ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa Canada. Ayon kay Cacdac, nag-ugat ang… Continue reading Immigration consultancy firm sa Mandaluyong City na umano’y sangkot sa illegal recruitment, ipinasara ng DMW

‘AI-generated child exploitation material’, wala pa sa Pilipinas; pamahalaan, naghahanda na laban dito

Wala pang ‘AI-generated child exploitation material’ sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni PBGen. Portia Manalad, ang pinuno ng Women and Children Protection Center ng PNP, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang laban ng pamahalaan sa mga online na paggamit o pang-aabuso sa mga kabataan. Sa press briefing sa Malacañang,… Continue reading ‘AI-generated child exploitation material’, wala pa sa Pilipinas; pamahalaan, naghahanda na laban dito

Focus crimes, bumaba ng 19% sa unang apat na buwan ng 2024

Iniulat ng Philippine National Police na bumaba ng 19.57% ang focus crimes sa 10,249 insidente mula Enero hanggang Abril 22 sa taong ito kumpara sa 12,743 insidenteng naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft. Ang mga… Continue reading Focus crimes, bumaba ng 19% sa unang apat na buwan ng 2024

CamSur solon, nanawagan sa Senado na pagtibayin ang Media Workers Welfare Bill

Umaasa si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mabilis na lang uusad sa Senado ang panukalang Media Workers Welfare Bill matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ay masisiguro ang malaya at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamahayag. Ani Villafuerte, ang pagpapatibay sa naturang panukala ang tulong… Continue reading CamSur solon, nanawagan sa Senado na pagtibayin ang Media Workers Welfare Bill

Mga GenCo, nais pagpaliwanagin ng mga mababatas sa serye ng power outages

Plano ni Deputy Minority Leader France Castro na magpatawag ng pulong para pagpaliwanagin ang mga generation company sa paulit ulit na problema tuwing tag init kung saan numinipis ang suplay ng reserbang kuryente. Ayon kay Castro, parati naman ipinapaalala ng DOE na paghandaan ng gencos ang summer dahil sa laging nagkakaroon ng pagnipis sa suplay… Continue reading Mga GenCo, nais pagpaliwanagin ng mga mababatas sa serye ng power outages

Multilateral Maritime Excercise ng Balikatan 2024, nagsimula na

Nagsimula na kaninang umaga ang Multilateral Maritime Exercise sa Palawan na bahagi ng Balikatan 2024. Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Command Spokesperson Capt. Ariel Coloma, magkakahiwalay na umalis mula sa Puerto Princessa, Palawan ang BRP Ramon Alcaraz (PS-16), at BRP Davao Del Sur (LD-602) ng Philippine Navy, ang FS Vendemiaire ng French… Continue reading Multilateral Maritime Excercise ng Balikatan 2024, nagsimula na

Pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon laban sa mga opisyal ng NTF-ELCAC, pinuri ni Usec Torres

Malugod na tinanggap ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng mga communist Front organizations laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng NTF-ELCAC. Itoy matapos katigan ng Korte Suprema noong Abril 18, ang desisyon ng Court… Continue reading Pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon laban sa mga opisyal ng NTF-ELCAC, pinuri ni Usec Torres

Retrofitting sa Kamuning flyover south bound, sisikaping matapos nang mas maaga

24/7 ang gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kamuning flyover southbound. Ito ang sinabi ni DPWH-NCR Dir. Loreta Malaluan na maagang nag-inspeksyon ngayong araw sa flyover bilang paghahanda sa pagsasara nito sa May 1. Ayon sa opisyal, sisikapin nilang agad na makumpleto ang retrofitting sa itaas na bahagi ng tulay… Continue reading Retrofitting sa Kamuning flyover south bound, sisikaping matapos nang mas maaga

Pilipinas at Estados Unidos, muling nanawagan sa China na sumunod sa UNCLOS at 2016 Arbitral Ruling

Muling nanawagan ang Pilipinas at Estados Unidos sa China na sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at galangin ang 2016 Arbitral Ruling na kumilala ng karapatan ng Pilipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea. Ang panawagan ay bahagi ng napagkasunduan ng dalawang bansa sa 11th Philippines-United States Bilateral… Continue reading Pilipinas at Estados Unidos, muling nanawagan sa China na sumunod sa UNCLOS at 2016 Arbitral Ruling

Int’l visitors sa PH, pumalo na sa 2M; kita sa turismo, umabot na sa higit ₱150-B

Naabot na ng Pilipinas ang 2 million tourist arrivals ngayong buwan ng Abril. Ayon sa Department of Tourism, 94.21% ng kabuuang 2,010,522 international visitor arrivals ay pawang mga dayuhang turista habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan. Kasabay nito ay inanunsyo din ng ahensya na pumalo na sa ₱157.62 bilyon ang kita ng bansa… Continue reading Int’l visitors sa PH, pumalo na sa 2M; kita sa turismo, umabot na sa higit ₱150-B