Mahigit ₱13-M halaga ng iligal na droga, nasamsam ng PDEA sa Luuk, Sulu

Nasa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang ₱13,600,000 ang nasamsam mula sa isang drug suspect sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa barangay Tandu-Bato, bayan ng Luuk, Sulu bandang alas-4:00 hanggang alas-5:30, Sabado ng hapon, Abril 27, 2024. Kinilala ng pulisya ang drug suspect na si Pailan Sahali Jumali,… Continue reading Mahigit ₱13-M halaga ng iligal na droga, nasamsam ng PDEA sa Luuk, Sulu

‘Di awtorisadong presensiya ng China research vessel, namataan sa karagatan ng Viga, Catanduanes

Namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ‘di awtorisadong presensiya ng isang research vessel na ‘Shen Kuo’ ng China sa karagatan sa Hilagang-Silangan ng Viga, Catanduanes. Sa ulat ng Tactical Operations Wing, Southern Luzon (TOWSOL) na nagsagawa ng maritime patrol noong Abril 27, ang naturang vessel ay naobserbahang nakadaong sa lugar at wala… Continue reading ‘Di awtorisadong presensiya ng China research vessel, namataan sa karagatan ng Viga, Catanduanes

MIAA, patuloy sa pagkukumpuni ng nasirang cooling towers sa NAIA Terminal 3

Inaasahang bukas ng umaga tuluyan nang maisasaayos ng engineering team ng MIAA ang nag-shutdown nitong cooling towers kahapon dahilan upang makaranas ng mainit na kondisyon ang mga pasahero at staff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, habang hinihintay na tuluyang maayos ang mga nasirang cooling towers ay… Continue reading MIAA, patuloy sa pagkukumpuni ng nasirang cooling towers sa NAIA Terminal 3

Plano para sa mas maayos sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino, ibinahagi ng House leader sa Cornell alumni forum

Inisa-isa ni Speaker Martin Romualdez sa harap ng alumni ng Cornell University sa ginanap na Spring Brunch and Education Forum ang healthcare agenda ng Kamara na layong pag ibayuhin ang serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino. Aniya, hindi lang sila basta gumagawa ng batas ngunit aktibo ring tumutulong sa ehekutibo para mapagbuti ang buhay ng bawat… Continue reading Plano para sa mas maayos sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino, ibinahagi ng House leader sa Cornell alumni forum

House leaders, nanawagan para sa malalimang imbestigasyon sa deepfake ni PBBM

Nais ng liderato ng Kamara na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon kaugnay deepfake ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., banta sa ating national security ang ganitong malisyoso at gawa-gawang impormasyon. Kaya naman nararapat lang ang kagyat na pagsisiyasat ng kinauukulang ahensya gaya ng Department of Information at Communications… Continue reading House leaders, nanawagan para sa malalimang imbestigasyon sa deepfake ni PBBM

Face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bukas, sinuspinde ng DEPED

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, bukas, Abril 29 -30. Sa inilabas na advisory ng DepEd, dahil ito sa pagtayang PAGASA na titindi pa ang init ng panahon at ang nakaambang na nationwide transport strike. Sa halip, magpapatupad ang mga nasabing paaralan ng asynchronous… Continue reading Face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bukas, sinuspinde ng DEPED

Ilang paaralan sa Maynila, magpapatupad muna ng online at asynchronous classes simula bukas

Inanunsyo ng ilang paaralan sa Maynila na simula bukas, Abril 29 hanggang 30 ay magsasagawa muna ang mga ito ng online o hindi naman kaya ay asynchronous classes dahil sa isasagawang transport strike at maiwasan ang matinding init ng panahon. Sa advisory na inilabas ng University of Santo Tomas (UST), magsasagawa ito sa darating na… Continue reading Ilang paaralan sa Maynila, magpapatupad muna ng online at asynchronous classes simula bukas

Mga mambabatas, inalala ang dedikasyon sa paglilingkod ng namayapang si Cong. Barzaga

Buhos ngayon ang pakikiramay ng mga kongresista sa naiwang pamilya ng namayapang Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga Si Laguna Rep. Marilyn Alonte, inalala ang kaniyang ‘Tito Pidi’ bilang mambabatas na may malawak na kaalaman sa maritime safety, disaster preparedness at environmental issues. Kaya naman umaasa si Alonte na opras na mafging ganap na batas… Continue reading Mga mambabatas, inalala ang dedikasyon sa paglilingkod ng namayapang si Cong. Barzaga

P400-M halaga ng Hightech na CDRRM-Operation Center, binuksan saLaguna-DILG

Magiging operational na ang Php 400 million state-of-the-art na City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM) Office Building at Operations Center ng pamahalaang lungsod ng San Pedro, Laguna. Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang LGU dahil sa pagkakaroon ng makabago at modernong pasilidad sa Barangay, Poblacion. Binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng… Continue reading P400-M halaga ng Hightech na CDRRM-Operation Center, binuksan saLaguna-DILG

4-day work-week, ipapatupad ng Department of Finance

Sisimulan sa May 1, 2024, magpapatupad ang Department of Finance (DOF) ng 4-day work week para mabawasan ang hirap ng kanilang mga empleyado sa araw-araw na pagbiyahe sa Metro Manila dagdag pa ang nararanasang matinding init ng panahon. Ito ang naging anunsyo ni DOF Secretary Ralph Recto sa selebrasyon ng anibersaryo ng kagawaran nitong linggo.… Continue reading 4-day work-week, ipapatupad ng Department of Finance