Teacher solon, pinalilinaw sa DepEd ang posibleng overlap ng graduation day ng pampublikong mga paaralan sa 2025 elections

Pinalilinaw ngayon ng isang mambabatas sa Department of Education kung magkakaroon ba ng overlap ang graduation day para sa mga pampublikong paaralan sa 2025 midterm elections. Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education ang Culture, ipinunto ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro na kung pagbabatayan ang DepEd Memorandum No. 3, s. 2024-2025 magtatapos… Continue reading Teacher solon, pinalilinaw sa DepEd ang posibleng overlap ng graduation day ng pampublikong mga paaralan sa 2025 elections

Strategic partnership ng Pilipinas at Japan, isinulong ni Sec. Teodoro at Japan State Minister of Defense

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro si Japan State Minister of Defense Hon. Oniki Makoto sa pagbisita ng huli sa DND sa Camp Aguinaldo kahapon. Si State Minister Oniki ay nasa bansa sa paanyaya ng DND para sa 3 araw na opisyal na pagbisita, bilang kinatawan ni Japanese Defense… Continue reading Strategic partnership ng Pilipinas at Japan, isinulong ni Sec. Teodoro at Japan State Minister of Defense

Baliktan at Salaknib exercise, tampok sa pagpupulong ng US Army Pacific Chief at Phil Army Chief

Malugod na tinanggap ni Phil. Army Chief Lt. General Roy Galido ang Commanding General ng US Army Pacific (USARPAC), General Charles A. Flynn sa pagbisita ng huli sa Army Headquarters, Fort Bonifacio Taguig kahapon. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, tinalakay ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan exercise, at ang Salaknib exercise sa pagitan ng dalawang hukbo.… Continue reading Baliktan at Salaknib exercise, tampok sa pagpupulong ng US Army Pacific Chief at Phil Army Chief

National Security Adviser Eduardo Año, iniapela ang tulong ng mga nasa media sa gitna ng iba’t ibang propaganda na ipinapakalat ng China sa West Philippine Sea

Kinikilala ni National Security Adviser Eduardo Año ang mahalagang papel ng mga nasa pamamahayag upang maituwid sa publiko ang mga baluktot at walang basehang narratives ng China kaugnay ng patuloy na pag-aangkin nto sa West Philippine Sea. Sa keynote message ng kalihim sa media seminar hinggil sa West Philippine Sea, inihayag ni Año na crucial… Continue reading National Security Adviser Eduardo Año, iniapela ang tulong ng mga nasa media sa gitna ng iba’t ibang propaganda na ipinapakalat ng China sa West Philippine Sea

Number coding scheme, suspendido bukas ayon sa MMDA

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo a-1. Ito’y kaalinsabay na rin sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Araw ng Paggawa o Labor Day. Dahil dito, pinapaalalahan ng MMDA ang mga motorista na saan man ang destinasyon ay laging tandaan na planuhin ang kanilang biyahe. Nagpapaalala rin ang MMDA… Continue reading Number coding scheme, suspendido bukas ayon sa MMDA

Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas

Dalawang malaking malls sa lungsod ng Las Piñas ang pagdarausan ng Labor Day Job Fair . Base sa anunsyo ng Las Piñas City, gagawin ang kanilang job fair sa SM South Mall at sa Robinsons Las Piñas simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. May tema ang naturang job fair na ‘Bagong Pilipinas: Mangagawang… Continue reading Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas

Direktiba ng Malacanan na sumusuporta sa anti-hunger at poverty programs, welcome sa DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagiisyu ng Malacanan ng Memorandum Circular (MC) No. 47 na nagaatas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga LGU na suportahan ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program. Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, sa tulong… Continue reading Direktiba ng Malacanan na sumusuporta sa anti-hunger at poverty programs, welcome sa DSWD

Paggamit ng garden hose, di ipinapayo ng Task Force El Niño sa gitna ng maigting na kampanya sa pagtitipid ng tubig

Nakatakdang maglabas ng guidelines ang National Water Resources Board (NWRB) ukol sa paggamit ng garden hose. Ito ang inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson at PCO Assistant Secretary Joey Villarama sa gitna ng water conservation campaign na ginagawa ng pamahalaan. Sinabi ni Villarama na kanilang napag-usapan sa kanilang huling meeting na ang paggamit ng… Continue reading Paggamit ng garden hose, di ipinapayo ng Task Force El Niño sa gitna ng maigting na kampanya sa pagtitipid ng tubig

21 mga sasakyan, sinita ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway

Patuloy ang isinasagawang paninita ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa EDSA Busway. Sa ikinasang operasyon sa EDSA-Santolan southbound ngayong araw, nasa 21 ang kabuuang bilang ng mga hindi awtorisadong sasakyan ang kanilang nasita. Mula sa naturang bilang, apat ang mga ambulansya… Continue reading 21 mga sasakyan, sinita ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway

DepEd, naisumite na sa tanggapan ng Pangulo ang proposal para bumalik sa dating school calendar

Kinumpirma ng DepEd na naisumite na nila sa tanggapan ng Pangulo ang proposal na bumalik sa lumang school calendar. Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education ang Culture, sinabi ni Dr. Leila Areola, Director ng DepEd Bureau of Learning Delivery mula sa 5-year period ng unti-unting pagbabalik sa dating school calendar ay pinabilis nila… Continue reading DepEd, naisumite na sa tanggapan ng Pangulo ang proposal para bumalik sa dating school calendar