Pangungunahan ni Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang isang top-level symposium na tatalakay sa pag-suporta ng Philippine Navy sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) ng Armed Forces of the Philippines.
Layon ng pagpupulong na isasagawa bukas sa Seda, Manila Bay, Paranaque, na maka-develop ng konsepto sa pagapapalakas ng kakayahan ng Phil. Navy sa panlabas na depensa, alinsunod sa CADC.
Samantala, nakatakda namang bendisyunan ng Phil. Navy ang kanilang dalawang bagong Fast Attack Interdiction Craft (FAIC) sa Abril 29, kasunod ng matagumpay na test-firing noong nakaraang linggo ng kanilang Spike NLOS (Non-Line-of-Sight) missile.
Bahagi ito ng 9 na patrol vessel na kinontrata ng Phil. Navy sa Israel Shipyard, kasama ang Technology transfer, sa ilalim ng FAIC Acquisition Project ng Revised AFP Modernization Program Horizon 2, upang mapalakas ang coastal defense capability ng Phil. Fleet. | ulat ni Leo Sarne