Kinumpirma ng Davao City Police Office (DCPO) na natanggap na nila ang warrant of arrest na nilabas ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 laban kay Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name leader Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing, sinabi ni DCPO Spokesperson Capt. Hazel Tuazon na natanggap nila ang nasabing warrant of arrest kahapon ng hapon, Abril 2, 2024.
Ayon kay Tuazon na naka-schedule na ang meeting nito sa Police Regional Office 11 (PRO 11) Regional Director Brig.Gen. Alden Delvo para plantsahin ang pag implementa ng nasabing warrant.
Dagdag ng opisyal na sisiguruhin ng kapulisan ang kaligtasan ni Pastor Quiboloy sa panahon na arestuhin na ito.
Sa inilabas ni RTC Branch 12 Judge Dante Baguio, nahaharap ang nasabing religious leader sa kasong Child Abuse at Sexual Abuse sa ilalim ng Republic Act 7610. | ulat ni Armando Fenequito, RP Davao