Isinusulong mismo ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang ang pag buo ng isang directorate office for education and training of BuCor personnel.
Layon din ng naturang proposal ni Catapang na aksyunan ang problema ng 804 invalidated personnel ng kanilang kawanihan kung saan nawalan ng trabaho ang nasabing bilang ng mga tauhan ng bucor dahil sa kakulangan ng sapat na edukasyon at training.
Ang nasabing directorate office ayon kay Catapang ang siyang magisilbing training grounds ng mga kulang sa pag aaral at edukasyon na personnel para makakuha ng posisyon sa BuCor.
Matatandaang ang BuCor ay ginawang uniformed status mula sa dating civilian status ng walang karampatang schooling at training dahilan kaya natanggal ang daan daang empleyado nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco