Muling binigyang diin ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda na dapat ituon ng pamahalaan ang ‘gameplan’ nito bilang tugon sa pagtaas ng inflation rate.
Kasunod ito ng naitalang 3.7 percent inflation rate para sa buwan ng Marso mula sa 3.4 percent noong Pebrero.
Punto ni Salceda 5.7 percent ng kabuuang inflation noong nakaraang buwan ay bunsod ng food inflation.
Ngunit kung hindi aniya nagkaroon ng problema sa presyuhan ng bigas sa global market nasa 3.1 percent lang dapat ang inflation lalo at bumaba na rin naman ang presyo ng mais, isda, gulay at maging asukal.
Kinilala din ni Salceda ang agresibong aksyon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel pagdating sa pamamahagi ng rice production support .
Katunayan nasa 92% na ng kabuuang target ang machinery distribution habang ang P12 billion na farmer financial assistance ay matatapos na sa Hunyo na sakto sa panahon ng pagtatani,.
Nakatulong din aniya sa pagpapababa sa presyo ng bigas ang paglilinis sa hanay ng National Food Authority.
Gayunaman mananatiling hamon sa pagpapababa ng inflation ang El Nino kaya mahalaga ani Salceda ang pagkakaroon ng sapat na irigasyon sa mga sakahan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes