Para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, walang bisa ang sinasabing naging ‘gentleman’s agreement’ ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa China tungkol sa BRP Sierra Madre.
Matatandaang unang binahagi ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na nakipagkasundo si Duterte sa China na hindi na kukumpunihin ang BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pimentel, sinumang Pilipino, anuman ang kanyang posisyon sa pamahalaan, ay hindi maaaring itali ang bansa sa isang unwritten, informal at unrecorded na agreement.
Kahit pa ito ang presidente ng Pilipinas na itinuturing na chief architect ng foreign policy ng bansa.
At dahil wala ngang record ng sinasabing ‘gentleman’s agreement’ na ito ay maituturing na void o walang bisa ang kasunduan.
“It could be unconstitutional; it could be unlawful but definitely it is void… A single Filipino no matter the position in government cannot bind the country in an informal, unwritten, unrecorded agreement. So-called agreement.”, ani ni Sen. Pimentel
| ulat ni Nimfa Asuncion