Nakalatag na ang iba’t ibang aktibidad kaugnay ng ika-394th Araw ng Marikina ngayong linggong ito.
Sa katunayan, deklaradong special working holiday sa lungsod bukas, Abril 16 salig sa Republic Act 10788 pero walang pasok sa lahat ng paaralan.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, hangad niyang magsilbi ang araw na ito bilang paalala ng dakilang nakalipas at matibay na pagkakaisa ng mga mamamayan nito.
Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad kaugnay ng okasyon ay ang soft launch sa Dialysis Center ng lungsod, Angkan-Angkan Festival, Regional Dance Fusion Competition, drone at fireworks display gayundin ang MeMar Photo Exhibit.
Kahapon, pinangunahan din ng Marikina LGU ang Bike Parade gayundin ang Bike Competition na layong isulong naman ang pagpapabuti ng kalusugan sa pamamagitan ng tamang ehersisyo. | ulat ni Jaymark Dagala
: Marikina LGU