Kinumpirma ni National Capital Region Police Office ( NCRPO) Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na naging mapayapa ang paggunita ng Holy Week sa Metro Manila.
Ayon kay Nartatez, walang naitalang anumang ‘untoward incidents’ sa kabuuang paggunita ng Holy Week sa Metro Manila.
Ito aniya ay bunsod ng kanilang ginawang paghahanda at paglalagay sa heightened security ng lugar.
Aniya, bumaba sa 30.42% ang crime rate nitong Holy Week dahil sa pakikipagtulungan ng NCRPO sa mga LGU at private stakeholders upang mapanatili ang kapayapaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco