Mahigit P13-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Ito ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Ang operasyon ay isinagawa sa Cloverleaf Mall sa Balintawak, Quezon City.

Kinilala ang mga arestado na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49 taong gulang, isang taxi driver; at Ansano Macapantad, 28 taong gulang.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang vacuum sealed na hinihinalang shabu na may timbang na dalawang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon, at isang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us