Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay na naisagawa nang walang “untoward incident” ang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas, Australia, Japan, at Estados Unidos sa loob ng Exclusive Econimic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahapon.
Sa Panig ng Philippine Navy, lumahok ang BRP Gregorio Del Pilar (PS15) at AW109 helicopter; BRP Antonio Luna (FF151) at AW159 Wildcat ASW helicopter; at BRP Valentin Diaz (PS177).
Kasama ng mga barko ng Philippine Navy ang USS Mobile at P-8A Poseidon ng United States Navy; ang Royal Australian Navy HMAS Warramunga at Royal Australian Air Force P-8A Poseidon Maritime Patrol Aircraft; at JS Akebono ng Japan Maritime Self-Defense Forces.
Ang aktibidad ay demonstrasyon ng commitment ng mga kalahok na bansa na palakasin ang kooperasyon sa pagsuporta sa isang bukas at malayang Indo-Pacific Region.
Ang mga kalahok ay nagsagawa ng communication exercise, division tactics o Officer of the Watch maneuver, at photo exercise, na bahagi ng pagpapalakas ng interoperability ng kanilang mga pwersa. | ulat ni Leo Sarne
📸: AFP