Matindi pa rin ang init ng panahon na naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila partikular sa Quezon City kaninang hapon.
Hanggang kaninang alas-3:01 ng hapon, pumalo pa sa 39 degrees Celsius ang heat index o init factor ang naitala sa Science Garden sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang ganito kainit na panahon ay kinokonsidera bilang “extreme caution”.
Posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion o heat stroke kung patuloy ang pagkababad sa init ng araw.
Batay sa two- day forecast ng PAGASA, makakaranas ng 40 to 39 degrees Celsius na heat index ang Quezon City ngayong araw hanggang bukas, Abril 16.
Habang 42 to 40 na heat index ang mararanasan sa NAIA sa Pasay City ngayong araw hanggang bukas.
Samantala, 13 lugar naman sa bansa ang papalo sa danger level ang heat index ngayong araw, pinakamataas sa Dagupan City na aabot sa 45°Celsius.
Bandang alas-4:01 ng hapon, bumaba sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Lungsod Quezon. | ulat ni Rey Ferrer