P40-M halaga ng asphalt overlay project sa Zamboanga Sibugay, nakumpleto na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways Region 9 (DPWH-9) ang asphalt overlay project na kanilang ipinatupad sa Barangay Poblacion sa bayan ng Diplahan, at sa Barangay La Dicha sa bayan ng Malangas sa Lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang proyektong may alokasyong P40-million mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023 ay ang pag-ispalto ng two-lane road na may habang 3,390 linear meters.

Ang implementasyon ng proyekto ay pinangasiwaan ng DPWH-Zamboanga Sibugay 1st District Engineering Office.

Saklaw ng nasabing proyekto ay ang installation ng reflectorized thermoplastic pavement markings para maging malinaw at lantad sa paningin ng mga motorista ang kalsada lalo na sa gabi.

Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, ang preventive maintenance initiative na kanilang isinagawa ay magbibigay nang ligtas at komportableng biyahe ng mga Sibugaynon, na dumadaan sa naturang ruta. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga

📸 DPWH Regional Office-9

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us