Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at lokal na pulisya ang P400,000 ng ipinuslit na sigarilyo sa operasyon sa Barangay Bato, Sta Cruz, Davao del Sur.
Dito’y nahuli sa akto ng pagbebenta ng sigarilyo na walang Graphic Health Warning Signs ang suspek na kinilalang si alyas Rashdy, 27 taong gulang.
Narekober sa arestadong suspek ang ang walong Master case ng D&J Menthol at LE (Red) Cigarette; at 103 ream ng President (Red), Capital (Red), at Royal Menthol cigarette.
Pinaalalahanan ni CIDG Director Police Maj. General Romeo Caramat ang publiko na maging mapanuri sa mga binibiling produkto at tiyakin na nakakatugon ito sa mga ligal na pamantayan at regulasyon. | ulat ni Leo Sarne