Pagkamatay ng 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu, aksidente lang – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na hindi totoo ang inisyal na lumabas na balita na binaril at pinatay ng nanloob sa bahay ang isang 14 anyos na estudyante sa Talisay, Cebu.

Unang napaulat na binaril ng hindi kilalang salarin ang suspek habang sinasagutan niya ang kanyang study module sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Cansojong, Talisay City, Cebu noong nakaraang Biyernes ng umaga.

Ayon kay Col. Fajardo, aksidenteng namatay ang biktimang menor de edad matapos malaglag ang baril sa bulsa ng kanyang kapatid at aksidenteng pumutok kung saan tumama ang bala sa biktima.

Nakahiga at nagpapahinga raw noon ang biktima.

Dalawang indibidwal ang kinasuhan ng obstruction of justice ngayong araw dahil sa paglilinis ng crime scene, pagtatago ng baril at pagbibigay ng ibang pahayag sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us