Tila natuto na ang mga motorista hinggil sa mga panuntunang ipinatutupad kaugnay ng pagdaan sa EDSA Busway.
Ito’y dahil walang nahuli ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa kanilang ikinasang operasyon sa bahagi ng EDSA-Ortigas sa Mandaluyong City ngayong araw.
Ayon sa SAICT, welcome development ito para sa kanila dahil nagpapatunay lamang ito na epektibo ang pinaigting nilang kampanya laban sa mga sasakyang hindi awtorisadong dumaan sa busway.
Magugunitang noong isang linggo, humigit kumulang sa 10 kada araw ang mga nahuhuli ng SAICT sa kanilang operasyon sa lugar na kinabibilangan ng mga ambulansyang walang sakay na pasyente at SUV na may plakang 7.
Una nang inamin ni Sen. Francis Escudero na sa kaniya naka-detail ang SUV na may plakang 7 na dumaan sa EDSA busway sa Ortigas-Mandaluyong noong isang linggo.
Patuloy naman ang gagawing pagbabantay ng SAICT sa EDSA Busway laban sa mga pasaway na motoristang hindi awtorisadong dumaan dito. | ulat ni Jaymark Dagala