Narekober ng Philippine National Police ang ₱86 milyong halaga ng iligal na droga sa dalawang araw na operasyon sa National Capital Region (NCR).
Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nakarating sa Camp Crame, ang nakumpiskang iligal na droga ay binubuo ng 12.6 kg ng shabu at 165 gramo ng marijuana.
Narekober ang iligal na droga mula sa 51 arestadong drug suspek, sa 31 operasyon sa 5 distrito ng NCRPO na kinabibilangan ng Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), at Eastern Police District (EPD), mula Mayo 16 hanggang 17.
Ang mga arestadong suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni Leo Sarne