Pamahalaan, umaapela sa unconsolidated PUVs na huwag nang magpumilit sa pagpasada

Umaapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga tsuper at operators ng mga tradisyunal na jeep na bigong makapag-consolidate na huwag nang magpumilit pa sa pag-pasada, simula ngayong araw (May 1). Pahayag ito ni DOTr Executive Assistant to the Secretary Jonathan Gesmundo, makaraang matapos kahapon (April 30) ang deadline para sa franchise consolidation, sa ilalim… Continue reading Pamahalaan, umaapela sa unconsolidated PUVs na huwag nang magpumilit sa pagpasada

Pagpapalakas pa sa proteksyon sa OFWs, at paggamit sa Php2.8 billion Aksyon Fund para sa distressed OFW, ipinag-utos ni Pangulong Marcos, ngayong Labor Day

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin pa ang proteksyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa. Sa talumpati ng Pangulo sa selebrasyon ng ika-122 Labor Day sa bansa, pinatitiyak ng pangulo sa DMW na palaging bukas ang gobyerno, lalo na sa oras… Continue reading Pagpapalakas pa sa proteksyon sa OFWs, at paggamit sa Php2.8 billion Aksyon Fund para sa distressed OFW, ipinag-utos ni Pangulong Marcos, ngayong Labor Day

Pangulong Marcos Jr., nakikipag-usap na sa lider ng iba’t ibang political party, para sa posibleng balikatan sa 2025 elections

Naghahanda na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa darating na halalan sa 2025. Ito ang political party ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “We have organized a steering committee, we will then go and make our alliances with the different parties. Of course, nand’yan ang Lakas, NPC, NUP. Sa, lalong-lalo na sa House.… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nakikipag-usap na sa lider ng iba’t ibang political party, para sa posibleng balikatan sa 2025 elections

Daan-daang jobseekers, lumahok sa ikinasang Labor Day Job Fair ng Marikina LGU

Dinagsa ng daan-daang mga aplikante ang isinagawang Labor Day Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ngayong araw sa SM City Marikina. Pinangunahan nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Cong. Maan Teodoro ang naturang aktibidad. Layon nitong magbigay ng trabaho sa mga jobseeker at makatulong na magbigay ng kabuhayan sa kani-kanilang pamilya. Nasa 34… Continue reading Daan-daang jobseekers, lumahok sa ikinasang Labor Day Job Fair ng Marikina LGU

Publiko, pinag-iingat ng MMDA hinggil sa scam sa pagpapatupad ng NCAP

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko at mga motorista laban sa mga gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa scam. Partikular na ang kumakalat na text message tungkol sa paghuli sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) at instruksyon hinggil sa pagbabayad ng multa. Ayon sa MMDA, peke ang text message lalo at… Continue reading Publiko, pinag-iingat ng MMDA hinggil sa scam sa pagpapatupad ng NCAP

Pagpapalawak ng labor laws ng bansa, pinanawagan ni Sen. Hontiveros

Pinanawagan ni Senadora Risa Hontiveros ang pagpapalawak ng saklaw ng labor laws ng bansa kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day. Giit ni Hontiveros, dapat lumawak ang saklaw ng mga batas para umunlad ang lahat ng manggagawa anuman ang kanilang mga raket sa buhay – mapa formal o informal, public o private, digital o… Continue reading Pagpapalawak ng labor laws ng bansa, pinanawagan ni Sen. Hontiveros

Pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers, muling iginiit ni Sen. Gatchalian ngayong Araw ng Paggawa

Sa gitna ng pagdiriwang ng Labor Day, muling iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang panukalang Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493). Kabilang sa mga isinusulong ng panukala ang pagbibigay ng calamity leave, educational benefits, at longevity pay sa mga guro. Nakasaad din dito ang mga kondisyon sa pagbibigay ng… Continue reading Pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers, muling iginiit ni Sen. Gatchalian ngayong Araw ng Paggawa

Sen. Poe, isinusulong ang pag-apruba ng prangkisa ng tatlong power distribution utilities para sa probinsya ng Leyte, Romblon at NegOcc

Umapela si Senate Committee on Public Services chairperson Sen. Grace Poe sa mga kasamahan niya sa Senado na aprubahan na ang prangkis ng tatlong power distribution utilities sa mga probinsya ng Leyte, Romblon at Negros Occidental. Ang panawagang ito ng senadora ay kasunod ng pag sponsor niya sa plenaryo ng Senado ng tatlong panukalang batas… Continue reading Sen. Poe, isinusulong ang pag-apruba ng prangkisa ng tatlong power distribution utilities para sa probinsya ng Leyte, Romblon at NegOcc

Higit 1,000 benepisyaryo ng TUPAD Program, tumanggap ng sahod ngayong Araw ng Paggawa sa QC

Mahigit 1,200 benepisyaryo ng TUPAD Program ang tumanggap ng kanilang sahod sa Quezon City ngayong Labor Day. Ayon kay PESO Public Employment Division Head Rhye Labrador, bawat isa sa kanila ay pinagkalooban ng P6,100 para sa 10 araw na kabayaran sa kanilang trabaho o P610 kada araw na sweldo. Kabilang sa mga benepisyaryo ng cash… Continue reading Higit 1,000 benepisyaryo ng TUPAD Program, tumanggap ng sahod ngayong Araw ng Paggawa sa QC

DepEd, inilatag ang mas agresibong plano para agad na maibalik ang lumang school calendar

Kinonsidera ng Department of Education (DepEd) ang mas maikling in-person classes sa susunod na school year bilang bahagi ng agresibong aksyon upang agad nang makabalik sa old school calendar. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni Education Assistant Secretary Francis Bringas, na ito ang pinakaagresibo nilang suhestiyon para maibalik na agad… Continue reading DepEd, inilatag ang mas agresibong plano para agad na maibalik ang lumang school calendar