Reserba ng kuryente sa Luzon grid, kapos na naman

Nag-abiso muli ang National Grid Corp of the Philippines (NGCP) na isasailalim na naman sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula mamayang hapon. Epektibo ito mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon o tatagal ng isang oras. Ito ay bunsod pa rin ng kakulangan sa reserba sa kuryente matapos na umabot sa 1369.3MW ang natukoy na… Continue reading Reserba ng kuryente sa Luzon grid, kapos na naman

Red tide, nakataas pa rin sa 6 na baybayin sa bansa

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa anim na baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang karagatan ng Milagros sa Masbate, coastal waters ng Dauis, at Tagbilaran City sa… Continue reading Red tide, nakataas pa rin sa 6 na baybayin sa bansa

MMDA, nag-inspeksyon sa lagay ng trapiko sa EDSA-Kamuning kasunod ng pagsasara ng flyover

Hinikayat ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle rider na gamitin ang mga alternatibong ruta at huwag makipagsiksikan sa EDSA-Kamuning service road lalo ngayong kinukumpuni ang Kamuning Flyover. Sa pag-iinspeksyon kasi ngayong umaga ng MMDA kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), natukoy na marami pa ring motorista pinipiling dumiretso… Continue reading MMDA, nag-inspeksyon sa lagay ng trapiko sa EDSA-Kamuning kasunod ng pagsasara ng flyover

Mga lokal na pamahalaan ng Marikina, Mandaluyong, at Pasig, nagpatupad na rin adjusted working hours sa kanilang mga kawani

Maliban sa Lungsod ng San Juan, epektibo na rin ngayong araw ang adjusted working hours sa mga Lungsod ng Marikina, Pasig, at Mandaluyong. Ito’y bilang pagtalima sa ipinasang Resolution no. 24-08 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinagtibay naman ng Metro Manila Council (MMC). Pero sa abiso ng Pasig City LGU, 80 porsyento ng… Continue reading Mga lokal na pamahalaan ng Marikina, Mandaluyong, at Pasig, nagpatupad na rin adjusted working hours sa kanilang mga kawani

Daloy ng trapiko sa EDSA-Ortigas northbound, balik normal na matapos sumalpok ang isang taxi sa concrete barrier sa paanan ng flyover

Balik na muli sa normal ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA-Ortigas ngayong umaga. Ito’y matapos mahatak na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang taxi na bumangga sa traffic sign post at concrete barrier sa paanan ng EDSA-Ortigas Flyover kaninang alas-3 ng madaling araw. Batay sa inisyal na impormasyon… Continue reading Daloy ng trapiko sa EDSA-Ortigas northbound, balik normal na matapos sumalpok ang isang taxi sa concrete barrier sa paanan ng flyover

Bicol Loco Festival at Magayon Festival sa Albay, gagawa ng Kasaysayan; 200K tourist arrival, target sa buong buwan ng selebrasyon

Inaasahang gagawa ng maraming kasaysayan ang nalalapit na Bicol Loco Festival at Magayon Festival sa lalawigan ng Albay ngayong buwan ng Mayo. Naisakatuparan ng Provincial Government of Albay ang kauna-unahang Grand Maritime Procession ng Nuestra Señora de Salvacion bilang pagsusulong sa ‘faith tourism’ ng Albay. Libo-libong deboto rin ang nakiisa sa isinagawang Marian Procession sa… Continue reading Bicol Loco Festival at Magayon Festival sa Albay, gagawa ng Kasaysayan; 200K tourist arrival, target sa buong buwan ng selebrasyon

Hanggang 48°C Heat Index, posibleng maranasan sa Camarines Sur ngayong araw

Muling ibinabala ng PAGASA ang mapanganib pa ring antas ng heat index o damang init na inaasahang tatama sa maraming lugar sa bansa ngayong araw. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 48°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw at ito ay maitatala sa bahagi ng Pili sa Camarines Sur.… Continue reading Hanggang 48°C Heat Index, posibleng maranasan sa Camarines Sur ngayong araw

Mabigat na trapiko papasok ng EDSA-Kamuning, sumalubong sa mga motorista ngayong umaga

Maaga pa lang ay mabagal na ang daloy ng mga sasakyan sa southbound lane ng EDSA lalo na sa bahagi ng EDSA-Kamuning kung saan sarado ang flyover. Pag-ahon pa lang ng Quezon Avenue, ramdam na ang mabigat na volume ng mga sasakyan. May ilang motorista ang dumidiskarte nang kumanan sa Scout Albano na isa sa… Continue reading Mabigat na trapiko papasok ng EDSA-Kamuning, sumalubong sa mga motorista ngayong umaga

Pasay City, ipatutupad ang adjusted working schedule simula ngayong araw, May 2

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang adjusted working schedule sa oras ng pasok ng mga kawani nito simula ngayong araw, May 2. Mula sa nakasanayang 8am to 5pm na standard working hours, magiging alas-7:00 na ng umaga ang pasok at matatapos tuwing alas-4:00 ng hapon upang mabuo ang walong oras na trabaho.… Continue reading Pasay City, ipatutupad ang adjusted working schedule simula ngayong araw, May 2

Aerial resupply exercise isinagawa sa Patag Island sa West Philippine Sea

Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang aerial resupply operation sa Patag Island nitong April 27, 2024. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ginamit ang Philippine Air Force NC212i aircraft sa pagdala ng essential goods kasama na ang mga pagkain at gamot sa mga sundalo na naka-deploy… Continue reading Aerial resupply exercise isinagawa sa Patag Island sa West Philippine Sea