Mas mababa sa P30 na presyo ng bigas, asahan pagsapit ng Hulyo – Speaker Romualdez at DA Sec. Laurel

Asahan na pagsapit ng Hulyo ay makakabili na ng bigas na mas mababa sa trenta pesos kada kilo ang presyo. Ito ang inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez matapos makipag-pulong kay Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel. Ayon kay Speaker Romualdez, bagaman nagbababaan na ang presyo ng ibang mga batayan bilihin ang bigas at maging karne ng… Continue reading Mas mababa sa P30 na presyo ng bigas, asahan pagsapit ng Hulyo – Speaker Romualdez at DA Sec. Laurel

Paggawa ng mga storage facilities para sa mga prutas, tututukan na rin ng DA

Tinututukan na rin ng Department of Agriculture (DA) sa paggawa ng mga imbakan ng mga lokal na aning prutas sa buong bansa. Ito ang inihayag ng DA kasunod ng pagbagsak ng presyo ng mangga sa iba’t ibang pamilihan dahil sa over production. Sa Balintawak market nasa Php40 na lamang pataas ang presyo ng kada kilo… Continue reading Paggawa ng mga storage facilities para sa mga prutas, tututukan na rin ng DA

Pagbuo ng masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado, suportado ng mga senador

Pinaboran ng ilang mga senador ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng isang inter-agency coordinationg council para pagsama-samahin ang masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado. Para kay Senate Minority leader Koko Pimentel, magandang ideya ito. Dapat rin aniyang gumawa ang gobyerno ng masterlist ng lahat ng mga public… Continue reading Pagbuo ng masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado, suportado ng mga senador

Pahayag ni PBBM na huwag gumamit ng water cannon attack sa pagdepensa ng ating teritoryo sa WPS, inayunan ng ilang senador

Sinang-ayunan ng ilang mga senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag tapatan ng paggamit ng water cannon ang pagdepensa sa ating teritoryo sa West Philippine Sea laban sa China. Ayon kay Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada, hindi rin aniya kailanman solusyon ang paggamit ng dahas. Aniya, responsibilidad… Continue reading Pahayag ni PBBM na huwag gumamit ng water cannon attack sa pagdepensa ng ating teritoryo sa WPS, inayunan ng ilang senador

Senado, umaasang makapagprepresenta ang DBM ng komprehensibong pag-aaral tungkol sa panukalang dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno

Hihintayin ng mataas na kapulungan ang pag-aaral ng executive branch patungkol sa panukalang dagdag sweldo para sa mga kawani ng pamahalaan. Ito ang pahayag ni Senate Committee on Labor chairman Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng panukalang panibaagong salary standaridization law. Naniniwala si Estrada na may sapat na panahon para pag-aralan ang naturang panukala bago ang… Continue reading Senado, umaasang makapagprepresenta ang DBM ng komprehensibong pag-aaral tungkol sa panukalang dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno

Alyansa ng mga partidong politikal sa Partido Federal ng Pilipinas, dapat nakaangkla sa iisang direksyon at layunin

Binigyang diin ng ilang kongresista ang kahalagahan na magkakasundo sa layunin, direksyon at idelohiya ang mga partido politikal na makikipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas na siyang partido ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasunod ito ng anunsyo ng presidente na makikipag alyansa ang PFP bilang paghahanda sa 2025 mid-term elections. Ayon kay Quezon Rep.… Continue reading Alyansa ng mga partidong politikal sa Partido Federal ng Pilipinas, dapat nakaangkla sa iisang direksyon at layunin

Tinaguriang most wanted person sa Samar, sumuko na sa pulisya – DILG

Inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang boluntaryong pagsuko ng isang pugante na tinaguriang most wanted man sa Samar. Sinabi ni Abalos, sumuko sa Calbayog City Police nitong araw ng linggo si Jimmy Managaysay Elbano a.k.a “Bruno.” Nahaharap ito ng anim na counts ng kasong murder at iba’t iba pang kasong kriminal. Kabilang na… Continue reading Tinaguriang most wanted person sa Samar, sumuko na sa pulisya – DILG

MMDA, nagbabala sa publiko kaugnay sa bagong text scam

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko laban sa bagong kumakalat na text scam na tinatawag na “No-Touch Arrest Penalty.” Ayon sa MMDA, ilang netizen ang nagpadala sa kanila ng screenshot ng text message na nagsasabing kailangan nilang bayaran ang multa kaugnay sa traffic violation. Ang text message ay may kasamang link ng… Continue reading MMDA, nagbabala sa publiko kaugnay sa bagong text scam

Isinusulong ng Marcos Admin na pag-amyenda sa RTL, suportado ng dating kalihim ng DA

Suportado ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), na layong ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na magbenta ng murang bigas sa mga Pilipino. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Emmanuel Piñol na pinakinggan lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hinaing ng… Continue reading Isinusulong ng Marcos Admin na pag-amyenda sa RTL, suportado ng dating kalihim ng DA

Iba pang mga kumpanya ng langis, naglabas ng presyo sa produktong petrolyo sa inaasahang rollback bukas

Naglabas na ang iba pang mga kumpanya ng langis ng presyo hinggil sa inaasahang rollback bukas May 7, 2024. Kabilang sa mga kumpanyang ito ang Caltex, PTT Philippines, Jetti, Petron, at Uni Oil na magpapatupad ng rollback sa presyo bukas ng alas-6 ng umaga. Kung saan may bawas na P0.75 sa kada litro ng gasolina… Continue reading Iba pang mga kumpanya ng langis, naglabas ng presyo sa produktong petrolyo sa inaasahang rollback bukas