Mahigit 600 Zamboangueño, nakinabang sa unang araw ng Lab for All program sa Lungsod ng Zamboanga

Aabot sa kabuuang 696 na mga Zamboangueño ang nakinabang sa samu’t saring medikal na serbisyo mula sa unang araw ng Lab For All Program na inilunsad sa Brgy. Baliwasan, lungsod ng Zamboanga kahapon. Kabilang sa mga serbisyong handog ng naturang programa ay ang medikal na konsultasyon, laboratory diagnostics, oral health services, mga gamot, at legal… Continue reading Mahigit 600 Zamboangueño, nakinabang sa unang araw ng Lab for All program sa Lungsod ng Zamboanga

Ilang empleyado ng DILG at piling barangay sa NCR, sumailalim sa training ng ARTA

Nasa 35 empleyado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sumailalim sa training ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Quezon City. Ayon kay ARTA Secretary Director General Ernesto Perez, may kaugnayan ang training sa Republic Act (RA) No. 11032 o ang Ease of Doing Business (EODB) Law. Nilalayon nitong mabigyan sila ng… Continue reading Ilang empleyado ng DILG at piling barangay sa NCR, sumailalim sa training ng ARTA

DTI at IPOPHIL, nagsanib pwersa upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa

Nagsanib pwersa ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito ay upang masawata na ang mga pekeng gamot na isang malaking banta sa kalusugan ng bawat Pilipino. Dagdag pa ng kalihim,… Continue reading DTI at IPOPHIL, nagsanib pwersa upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa

Pwersa ng CTG sa Bukidnon, mas lalo pang humina; 9 miyembro, sumuko sa tropa ng 4ID

Nagtagumpay ang tropa ng 4th Infantry Division sa pamamagitan 403rd Infantry Brigade (403Bde) sa kanilang negosasyon sa pagsuko ng 9 na mga miyembro ng communist terrorist group(CTG) sa lalawigan ng Bukidnon noong May 3, 2024. Nitong Biyernes, 9 na mga miyembro ng CTG ang sumuko sa tropa ng 88th Infantry Battalion, 26th Infantry Battalion, at… Continue reading Pwersa ng CTG sa Bukidnon, mas lalo pang humina; 9 miyembro, sumuko sa tropa ng 4ID

WESCOM Chief Vice Admiral Carlos, di na kailangang imbestigahan pa kasunod ng pinalutang na new model arrangement ng China – NSC  

Hindi nakikita ng National Security Council (NSC) ang pangangailangan na paimbestigahan si Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto Carlos. Pahayag ito ni NSA Assistant Director General Jonathan Malaya, kasunod ng sinabi ng China na nakipagkasundo ang AFP WESCOM sa kanilang bansa para sa new model arrangement, para sa pag-handle ng tensyon sa West Philippine… Continue reading WESCOM Chief Vice Admiral Carlos, di na kailangang imbestigahan pa kasunod ng pinalutang na new model arrangement ng China – NSC  

SP Migz Zubiri, umaasang masesertipikahang urgent bill ang P100 legislated wage hike bill

Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na masesertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang P100 legislated wage hike na aprubado na ng Mataas na Kapulungan. Paliwanag ni Zubiri, kung ang punong ehekutibo mismo ang magsasabi ay tiyak na kikilusan ng mga mambabatas sa Kamara ang naturang panukala. Sa ngayon… Continue reading SP Migz Zubiri, umaasang masesertipikahang urgent bill ang P100 legislated wage hike bill

Mahigit 6,000 mga paaralan sa bansa, nagpatupad ng alternative delivery mode ngayong araw dahil sa mainit na panahon – DepEd

Umabot sa 6,695 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagsuspinde ng face-to-face classes ngayong araw dahil sa mainit na panahon. Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) nasa 6,695 sa kabuuang 47,678 na mga paaralan sa bansa ang nagpatupad ng alternative delivery mode. Magugunitang pinapayagan ng DepEd ang mga opisyal… Continue reading Mahigit 6,000 mga paaralan sa bansa, nagpatupad ng alternative delivery mode ngayong araw dahil sa mainit na panahon – DepEd

Sertipikasyon bilang urgent ng amyenda sa Rice Tariffication law, welcome development para sa mga mambabatas

Suportado ni Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). Ayon sa House Speaker, ipinapakita nito ang nagkakaisang hangarin ng ehekutibo at lehislatura na mapababa ng presyo ng bigas, at protektahan ang mga magsasaka at mamimili mula sa mga mapagsamantalang… Continue reading Sertipikasyon bilang urgent ng amyenda sa Rice Tariffication law, welcome development para sa mga mambabatas

LTO, nagsagawa ng Theoretical Driving Course sa Oriental Mindoro

Naglunsad ng dalawang araw na libreng Theoretical Driving Course ang Land Transportation Office (LTO) sa Calapan City, Oriental Mindoro. Nais nito na isulong ang kaligtasan sa kalsada at matiyak na sumusunod ang mga driver sa mga regulasyon ng ahensya. Gayundin, direktang maghatid ng mahahalagang serbisyo sa publiko habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng pagmamaneho. Bukod… Continue reading LTO, nagsagawa ng Theoretical Driving Course sa Oriental Mindoro

DepEd, handang sumunod sa nais ni Pangulong Marcos Jr. sa posibleng pagbabalik sa dating school calendar sa susunod na taon

Handa ang Department of Education (DepEd) na sumunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa pagbabalik ng dating school calendar sa susunod na taon. Sa isang mensahe, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, na sa kanilang sulat sa Office of the President sa proposal ng Deped sa pagbabalik ng June hanggang… Continue reading DepEd, handang sumunod sa nais ni Pangulong Marcos Jr. sa posibleng pagbabalik sa dating school calendar sa susunod na taon