Mga PDL sa bagong pasilidad ng QC Jail sa Payatas, binisita ng QCRTC Judge

Binisita ni Quezon City Regional Trial Court Branch 101 Judge Evangeline Castillo-Marigomen ang bagong pasilidad ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas, Quezon City. Layon ng pagpunta ng hukom ay para tingnan at suriin ang kondisyon ng mga PDL na bagong lipat sa pasilidad. Ayon kay City Jail Warden JSupt Warren Geronimo,nakipag usap… Continue reading Mga PDL sa bagong pasilidad ng QC Jail sa Payatas, binisita ng QCRTC Judge

Moody’s Analytics, naniniwalang papalo sa 5.8% ang 1st quarter growth ng Pilipinas

Bago pa man ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong araw ang first quarter economic performance ng bansa, naniniwala ang Moody’s Analytics na papalo sa 5.8 percent ang  paglago mula January to March period. Ayon sa Moody’s Analytics kayang lagpasan ng first quarter growth ang naitalang 5.6 percent noong December 2023 dahil sa positive trade… Continue reading Moody’s Analytics, naniniwalang papalo sa 5.8% ang 1st quarter growth ng Pilipinas

Mga Pilipino, hindi dapat magpaloko sa propaganda ng China kaugnay sa WPS — kongresista

Binalaan ng isang kongresista ang publiko na maging maingat at mapanuri lalo na sa ginagawang propaganda ng China sa West Philippine Sea. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, maliban sa bullying ay nagpapakalat na ng istorya ang China na nakipagkasundo ang Pilipinas sa kanila. Ginagamit aniya ng China ang ganitong kwento upang… Continue reading Mga Pilipino, hindi dapat magpaloko sa propaganda ng China kaugnay sa WPS — kongresista

Umano’y demolition job laban sa PNP Chief, hindi kapani-paniwala

Naniniwala si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi “demolition job” laban sa kanya ang kumalat na fake news sa pag-bawas sa benepisyo ng mga pulis. Ito ang sinabi ng PNP Chief makaraang lumutang ang balitang babawasan ang natatanggap na rice subsidy ng mga pulis at maging ang natatanggap na Combat Incentive Pay… Continue reading Umano’y demolition job laban sa PNP Chief, hindi kapani-paniwala

IBF Super Featherweight Champion PFC Suarez, nagpasalamat sa Phil. Army

Nagpasalamat si International Boxing Federation (IBF) Super Featherweight Champion Private First Class Charly Suarez sa buong suporta ng liderato ng Philippine Army sa kanyang tagumpay. Ito’y sa courtesy call ni PFC Suarez kay Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon. Nakamit ni PFC Suarez ang IBF… Continue reading IBF Super Featherweight Champion PFC Suarez, nagpasalamat sa Phil. Army

Finance Chief, umaasanag magtutuloy-tuloy ang mataas na tax and non-tax revenues collection upang pondohan ang priority programs ng administrasyong Marcos Jr.

Umaasa si Finance Secretary Ralph Recto sa patuloy na pagtaas ng revenue collection and dividend contribution ng gobyerno sa mga susunod pang buwan at taon upang mapondohan ang mga priority programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng ginawang GOCC day kung saan iniremit ng mga Government Owned and Controled… Continue reading Finance Chief, umaasanag magtutuloy-tuloy ang mataas na tax and non-tax revenues collection upang pondohan ang priority programs ng administrasyong Marcos Jr.

Mga benepisyong iginagawad sa mga pulis, imposibleng mabawasan — PNP

Imposibleng mabawasan ang mga benepisyong ibinibigay sa mga pulis gaya ng Rice Subsidy, Combat Incentve Pay, at Combat Duty Pay. Ito ang binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) matapos kumalat sa social media ang mga di-umano’y planong bawasan ang mga naturang benepisyo. Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, hindi maaaring… Continue reading Mga benepisyong iginagawad sa mga pulis, imposibleng mabawasan — PNP

40 milyong Pilipino na walang access sa malinis na tubig, pinatututukan ng Pangulo

Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para mabigyan ng access sa tubig ang may 40 milyong Pilipino na hanggang ngayon ay walang mapagkukunan ng malinis na tubig. Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DENR Undersecretary Dr. Carlos David na karamihan sa mga tinaguriang ‘underserved’ ay nasa bahagi… Continue reading 40 milyong Pilipino na walang access sa malinis na tubig, pinatututukan ng Pangulo

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa

Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 47 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 185.18 meters. Halos limang metro na lang ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa

Rice inflation, bahagyang bumagal nitong Abril — PSA

Sa kabila ng pagbilis sa headline inflation nitong Abril ay naitala naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbagal sa rice inflation o galaw sa presyuhan ng bigas. Mula kasi sa 24.4% rice inflation ay bumaba ito sa 23.9% nitong Abril. Paliwanag ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, ito ay bunsod… Continue reading Rice inflation, bahagyang bumagal nitong Abril — PSA