Integridad ng Senado, nadudungisan dahil sa patuloy na pagdinig ng ‘PDEA leaks’

Bumabagsak umano ang integridad ng Senado dahil sa ginagawa nitong pagdinig ukol sa “PDEA leaks” na nagdidiin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos na sangkot sa iligal na droga. Sa pulong balitaan sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na malinaw na “smear campaign” o paninira ng reputasyon ang imbestigasyon ng komite ni Senador… Continue reading Integridad ng Senado, nadudungisan dahil sa patuloy na pagdinig ng ‘PDEA leaks’

LAKAS CMD at Partido Federal ng Pilipinas, lumagda sa isang alyansa para sa isang Bagong Pilipinas

Pormal na lumagda ang Lakas CMD at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ng alyansa bilang paghahanda sa 2025 midterm elections. Ayon kay Speaker Martin Romualdez ang alyansa para sa Bagong Pilipinas ay hindi lamang pagsasanib pwersa ng LAKAS at PFP sa bilang ngunit sa iisang hangarin para sa isang Bagong Pilipinas. Hindi lang din aniya… Continue reading LAKAS CMD at Partido Federal ng Pilipinas, lumagda sa isang alyansa para sa isang Bagong Pilipinas

2024 Western Visayas Regional Athletic Association Meet, matagumpay na naisagawa

Matagumpay na naisagawa ang 2024 Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa Negros Occidental. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iloilo kay Hernani Escullar Jr., Regional Information Officer ng Department of Education (DepEd-6), walang naitalang ‘major incident’ ang ahensya mula nang magsimula ang WVRAA Meet noong Mayo 2 hanggang sa ito ang natapos ng Martes,… Continue reading 2024 Western Visayas Regional Athletic Association Meet, matagumpay na naisagawa

Maritime Strike Exercise, matagumpay na naisagawa ng PH-US troops sa Laoag, Ilocos Norte

Matagumpay na naisagawa ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Armed Forces (USAF) ang Maritime Strike Exercise sa Laoag, Ilocos Norte kaninang umaga. Sa naturang pagsasanay, pinaputukan ng mga barko ng Estados Unidos kasama ang Philippine Navy ang target na decommissioned BRP Lake Caliraya, gamit ang C-star anti-ship… Continue reading Maritime Strike Exercise, matagumpay na naisagawa ng PH-US troops sa Laoag, Ilocos Norte

Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, nagsuko ng 5 baril sa PNP

Inanunsyo ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil na nagsuko na ng limang armas ang kampo ng puganteng si Pastor Apolo Quiboloy. Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Marbil na isinuko ngayong umaga lang ng kampo ni Quiboloy ang limang baril sa Regional Mobile Security Unit 11 sa Police Regional Office 11.… Continue reading Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, nagsuko ng 5 baril sa PNP

‘Malaya Lolas’, isasama na sa Social Pension program ng DSWD

Pino-proseso na ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasama sa mga miyembro ng ‘Malaya Lolas’ sa kanilang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program. Pahayag ito ng DSWD, kasunod ng isinagawang pagdinig sa senado kahapon tungkol sa mga issues at concerns sa Senate Resolution No. 539 o Philippine Government Treaty Obligations to the… Continue reading ‘Malaya Lolas’, isasama na sa Social Pension program ng DSWD

Pagkakaisa, binigyang diin ni PBBM sa ginawang ‘signing of alliance’ ng PFP at LAKAS-CMD

Sumentro sa pagkakaisa ang naging mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang ‘signing of alliance’ sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS- CMD. Ayon sa Pangulo, tanggap ng taumbayan ang pagkakaisa na kanilang isinisigaw noong panahon pa ng kampanya. Kaya ng nanalo aniya siya noong 2022 presidential election, sinabi ng Pangulo… Continue reading Pagkakaisa, binigyang diin ni PBBM sa ginawang ‘signing of alliance’ ng PFP at LAKAS-CMD

SSS, target na makapag rehistro ng 2 Million bagong SSS members ngayong taon

Social Security System office at the one-stop center in Ali Mall, Cubao.

Target ngayong taon ng Social Security System na makapag rehistro ng 2 million na mga bagong miyembro. Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, hanggang Marso 2024, naabot na ng SSS ang 45.95% ng target nito,na nakapagrehistro ng 928,911 bagong miyembro. Halos kalahati ng taunang target ay nakamit na sa loob lang ng… Continue reading SSS, target na makapag rehistro ng 2 Million bagong SSS members ngayong taon

Kredibilidad ni dating PDEA agent Jonathan Morales, kinuwestiyon sa pagdinig sa Senado

Kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang kredibilidad ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, iprinesenta ni Estrada ang mga dokumento na nagpapatunay na ilang beses nang natanggal, nabalik at muling natanggap sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP) si Morales.… Continue reading Kredibilidad ni dating PDEA agent Jonathan Morales, kinuwestiyon sa pagdinig sa Senado

Ilan pang magsasaka sa CamSur na apektado ng El Niño, hinatiran ng tulong ng DSWD

Walang patid pa rin ang pagpaaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa mga apektado ng El Niño. Sa Bicol region, nasa 1,000 family food packs (FFPs) ang ipinamahagi ng DSWD sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa Barangay Duran sa Balatan, Camarines Sur. Laman ng bawat FFPs… Continue reading Ilan pang magsasaka sa CamSur na apektado ng El Niño, hinatiran ng tulong ng DSWD