Nasawi ang dalawang sundalo, at sugatan ang apat na iba pa matapos tamaan ng kidlat sa kabundukan ng Western Uma, Lubuagan at Balatoc sa bayan ng Pasil sa lalawigan ng Kalinga.
Kinilala ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio at Private First Class Inmongog Aronchay.
Habang ang mga sugatan ay sina Sgt Dennis Bananao ; PFC Melvin Danggalan , PFC Abegil Awingan at PFC Riel Angya.
Nangyari ang insidente noong Mayo 12 habang nagsasagawa ng security operation ang mga tropa ng 54th Infantry Battalion, nang makaranas ng masungit na panahon ang probinsya at malalakas na pagkulog at pagkidlat.
Nagpaabot ng pakikiramay si 5ID Commander MGen Audrey Pasia sa pamilya ng 2 nasawing sundalo.
Sinabi ni MGen. Pasia na nagsisilbing insipirasyon ang dedikasyon ng mga tropa sa kanilang trabaho, na hindi inalintana ang panganib sa pagtupad ng kanilang tungkulin. | ulat ni Leo Sarne