Kapwa mambabatas, umaasa sa mas pinaigting na “collaboration” sa ilalim ng panunukulan ni SP Escudero

Welcome sa ilang House members ang pagkakatalaga kay Francis Chiz Escudero bilang bagong tagapuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Umaasa si House Assistant Majority leaders at Zambales Rep. Jay Khonghon at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega na magdudulot ito ng mahusay na pakikpagtulungan at pag-unlad sa lehislatura. Positibo ang mga ito na ang… Continue reading Kapwa mambabatas, umaasa sa mas pinaigting na “collaboration” sa ilalim ng panunukulan ni SP Escudero

Pag-imbita kay dating Pangulong Duterte sa imbestigasyon sa umano’y gentleman’s agreement, di pa kailangan

Hindi pa nakikita ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang pangangailangan na imbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte para bigyang linaw ang umano’y secret o gentleman’s agreement kaniya umanong pinasok kasama ang China. Ayon kay Dalipe, nakadepende sa takbo ng pagdinig kung kakailanganin pa ba na padaluhin  ang dating presidente. Kung mayroon aniya talagang impormasyon na… Continue reading Pag-imbita kay dating Pangulong Duterte sa imbestigasyon sa umano’y gentleman’s agreement, di pa kailangan

Acting Administrator Lacson, permanenteng itinalagang bagong NFA  Administrator 

Opisyal nang itinalaga bilang bagong National Food Administrator (NFA) Administrator si Larry del Rosario Lacson. Kinumpirma ang kanyang appointment  ng  National Food Authority  Council matapos ang board meeting kahapon. Ayon sa ulat ng  NFA, magsisilbi ding Vice Chairperson ng NFA Council si Administrator Lacson. Si Lacson ay itinalagang Acting NFA Administrator ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. noong Abril… Continue reading Acting Administrator Lacson, permanenteng itinalagang bagong NFA  Administrator 

Dating Defense Sec. Gazmin, pinadadalo na rin sa pagsisiyasat sa umano’y ‘secret agreement’ ng Pilipinas at China

Iimbitahan na rin ng Kamara si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin sa ginagawang imbestigasyon ukol sa sinasabing ‘secret agreement’ sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite kung saan humarap na sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating DND Secretary Delfin Lorenzana, at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon—kapwa itinanggi ng… Continue reading Dating Defense Sec. Gazmin, pinadadalo na rin sa pagsisiyasat sa umano’y ‘secret agreement’ ng Pilipinas at China

Rekomendasyon ng House Committee on Ethics ukol sa reklamo kay Rep. Alvarez, isusumite na sa Committee on Rules

Unanimous ang naging desisyon ng House Committee on Ethics and Privileges ukol sa ipapataw na parusa kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez. Ayon kay COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, Chair ng komite, ngayong aprubado na ng Komite ang rekomendasyon ay maaari na nila itong ipasa sa House Committee on Rules upang masama sa calendar… Continue reading Rekomendasyon ng House Committee on Ethics ukol sa reklamo kay Rep. Alvarez, isusumite na sa Committee on Rules

LAB for ALL ng First Lady at DSWD, dumayo sa Subic at nagbigay ng tulong sa taumbayan

Umarangkada ngayong araw sa Subic Zambales ang LAB for ALL project ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, namahagi ng tulong pinansyal at family food packs ang Unang Ginang sa 2,300 benepisyaryo. Nagpaabot din ng seed capital fund sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ang… Continue reading LAB for ALL ng First Lady at DSWD, dumayo sa Subic at nagbigay ng tulong sa taumbayan

Mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, dumoble ang bilang

Dumoble ang bilang ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc base sa datos na inilabas ng Philippine Navy. Sa huling tala, 55 na barko ng China na binubuo ng siyam na Chinese Coast Guard Vessel (CCGV), apat na Peoples Liberation Army Navy (PLAN), at 42 Chinese Maritime Militia vessel ang na-monitor sa Bajo… Continue reading Mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, dumoble ang bilang

Voluntary Price Freeze ng ilang manufacturers, ipatutupad bilang pag-alalay sa mga paghahanda ng Marcos Administration sa La Niña

Nasa limang malalaking manufacturer ang nagpahayag sa pamahalaan na magpapatupad ng voluntary price freeze sa kanilang mga produkto. “Kasama dito sa voluntary price freeze natin ang processed meat, may mga processed meat items tayo; mayroon tayong processed milk items; mayroon tayong bottled water; mayroon tayong instant noodles, so iyan po, iba-iba po iyong mga items… Continue reading Voluntary Price Freeze ng ilang manufacturers, ipatutupad bilang pag-alalay sa mga paghahanda ng Marcos Administration sa La Niña

NGCP, nagpatupad ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Negros Oriental

Mula ala-1 hanggang alas-5 ngayong hapon, nagpatupad ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ilang bahagi ng Negros Oriental. Sa abiso ng NGCP, ipinatupad ang Manual Load Dropping (MLD) dahil sa overloading ng Amlan-Station 69kV line. Apektado dito ang Negros Oriental Electric Cooperative II (NORECO II) na nagsesrbisyo sa Pulantubig,… Continue reading NGCP, nagpatupad ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Negros Oriental

“Moonlighting” ng mga pulis, pinaimbestigahan ni PNP Chief Marbil sa IAS

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na imbestigahan ang umano’y “moonlighting” ng dalawang Special Action Force (SAF) commando, na inaresto matapos masangkot sa kasong alarm and scandal noong Mayo 18 sa Ayala Alabang Village. Ito’y matapos na matuklasan na nagsisilbi umanong security escort… Continue reading “Moonlighting” ng mga pulis, pinaimbestigahan ni PNP Chief Marbil sa IAS