DENR-EMB, nag-isyu ng notice of violation laban sa isang kumpanya sa Surigao del Norte

Inisyuhan na ng “notice of violation” ng Department of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa Caraga Region ang Greenstone Resources Corporation (GRC) sa Mainit, Surigao Del Norte. Dahil ito sa paglabag sa Environmental Compliance Certificate (ECC) at sa probisyon ng Republic Act (RA) 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2024.… Continue reading DENR-EMB, nag-isyu ng notice of violation laban sa isang kumpanya sa Surigao del Norte

Pagpapataw ng deployment cap sa gitna ng kakulangan sa medical workers sa bansa, di ikinukonsidera ng pamahalaan

Umakyat na sa 20 ang bilang ng State Universities and Colleges (SUCs) na nagpo-produce ng medical students sa Pilipinas. Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, malaking improvement na ito mula sa orihinal na walong SUCs na nag-offer ng medical courses noong nakaraang administrasyon. “The idea is the SUCs have started with the medical schools but… Continue reading Pagpapataw ng deployment cap sa gitna ng kakulangan sa medical workers sa bansa, di ikinukonsidera ng pamahalaan

Michael Yang, bigong humarap sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs

Hindi humarap sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs ngayong Miyerkules ang negosyanteng si Michael Yang. Ito ay kaugnay sa pagsisiyasat sa P3 bilyong  halaga ng ilegal na droga na nasabat sa Mexico, Pampanga noong 2023. Kinatawan ni Atty. Raymond Fortun si Yang. Aniya, May 12 nang bumiyahe papuntang Dubai ang kaniyang kliyente katunayan… Continue reading Michael Yang, bigong humarap sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs

Pagpapatupad ng reporma para sa pagpapabuti ng healthcare system ng Pilipinas, pinatututukan ni Pangulong Marcos Jr.

Inilatag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sectoral briefing ngayong umaga ang National Human Resources Master Plan 2020 – 2040, na layong paigtingin ang healthcare system sa bansa. “So this was the gist of the presentation where we will focus on: number one, health promotion and disease prevention; number two, acute care; and, number… Continue reading Pagpapatupad ng reporma para sa pagpapabuti ng healthcare system ng Pilipinas, pinatututukan ni Pangulong Marcos Jr.

Navotas LGU, muling binuksan ang online application para sa TUPAD program

Bukas na para sa mga naghahanap ng trabaho ang Batch 4 Online Application ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Sa abiso ng LGU, bawat barangay ay may nakalaang bilang ng slots base sa populasyon. Paalala ng LGU na isang aplikante lang sa bawat pamilya ang pwede… Continue reading Navotas LGU, muling binuksan ang online application para sa TUPAD program

Party-list solon, kinuwestyon ang kawalang aksyon ng Duterte admin para itama ang status quo sa Panatag Shoal

Ikinagulat ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na walang ginawang aksyon ang administrasyong Duterte para itama ang sinasabing ‘status quo’ sa Panatag Shoal. Sa naging pagdinig ng Kamara ukol sa umano’y gentleman’s agreement na pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China, sinabi ng dating miyembro ng gabinete ng nakaraang administrasyon na walang anumang kasunduan… Continue reading Party-list solon, kinuwestyon ang kawalang aksyon ng Duterte admin para itama ang status quo sa Panatag Shoal

Reintegration forum para sa OFWs, isinagawa ng OWWA sa Zamboanga del Sur

Pinangunahan ni Overseas Workers Welfare Administration Regional Office IX Director Rosalito Sultan ang ginawang ‘Migration Reintegration Forum’ para sa mga partner ng OWWA at OFW stakeholders. Ginanap ang naturang forum sa Subanen Function Hall, Zamboanga Del Sur. Ayon sa OWWA, layon ng naturang forum na makapagbahagi ang mga partner ng OWWA at iba’t ibang OFW… Continue reading Reintegration forum para sa OFWs, isinagawa ng OWWA sa Zamboanga del Sur

Batang Jiu Jitsu Champion, kinilala ng lungsod ng Las Piñas

Malugod na tinanggap ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang 6-taong gulang na batang Jiu Jitsu Champion na si Jeon Bradley Dela Cruz sa isinagawang pagbisita nito sa city hall kamakailan. Si Jeon ay nakipagkompetensiya sa ASEAN International Jiu Jitsu Open Championship 2024 kung saan nagwagi siya ng gintong medalya sa ilalim ng Kindergarten… Continue reading Batang Jiu Jitsu Champion, kinilala ng lungsod ng Las Piñas

Mga direktiba ni PBBM para sa mga OFW, inilatag ni Sec. Hans Leo Cacdac sa makapangyarihang Commission on Appointments

Ipinauubaya na ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac ang kaniyang kapalaran sa mga mambabatas na bumubuo ng makapangyarihang Commission on Appoinments (CA). Ito’y matapos na maantala ang pagdinig ng komite para sa kumpirasyon ng pagkakatalaga o ad interim appointment kay Cacdac para sa naturang Kagawaran. Ayon kay Cacdac, nagpapasalamat siya sa… Continue reading Mga direktiba ni PBBM para sa mga OFW, inilatag ni Sec. Hans Leo Cacdac sa makapangyarihang Commission on Appointments

OWWA at San Juan LGU, nagtulungan para sa kapakanan ng OFWs

Pumirma ng isang Memorandum of Agreement ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at City Government ng San Juan para sa pagtatatag ng OFW Help Desk. Ayon sa OWWA, sa pamamagitan ng proyektong ito mas mapapadali ang access ng mga OFW sa mga serbisyo at tulong na kanilang kailangan. Ang OFW Help Desk anila ay magiging… Continue reading OWWA at San Juan LGU, nagtulungan para sa kapakanan ng OFWs