PDRRMC Catanduanes, nakahanda na kaugnay ng bagyong Aghon

Nakahanda na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Catanduanes kaugnay ng posibleng pananalasa ng bagyong Aghon sa lalawigan. Kahapon ay isinagawa ang isang emergency neeting sa kapitolyo na dinaluhan ng mga miyembro ng PDRRMC Catanduanea gayundin ang mga kinatawan mula sa local Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) at iba pang… Continue reading PDRRMC Catanduanes, nakahanda na kaugnay ng bagyong Aghon

Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Aghon

Aabot sa siyam na flights mula sa iba’t ibang airlines ang nagkansela na ng kanilang paglipad ngayong araw sa iba’t ibang destinasyon sa bansa dulot ng masamang panahon dala ng bagyong Aghon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), as of 9:26am kanselado ngayong araw ng Sabado, May 25, ang mga sumusunod na flight: CEBGO… Continue reading Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Aghon

LTO Chief, kinondena ang pagpatay sa isang LTO Official

Kinondena ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpatay sa isang opisyal ng ahensya sa isang pananambang kagabi sa Quezon City. Si Mercedita Gutierrez, ang hepe ng Registration Section LTO Central Office ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang salarin sa Kamia, QC. Sa pahayag ni LTO Chief Vigor Mendoza II, tiniyak nitong makikipagtulungan sa Philippine National… Continue reading LTO Chief, kinondena ang pagpatay sa isang LTO Official

₱8 milyong ayuda para sa pagsuporta ng mga lokal na negosyo nakahandang ipamahagi ng DTI sa Visayas

Ibinalita ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang nakatakdang ipamahagi ng ahensya ang aabot sa ₱8 milyon na ayuda para sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa Visayas. Ito ang naging pahayag ng Kalihim sa ginanap na Bagong Pilipinas Town Hall Meeting kahapon, May 24, sa Cebu City na… Continue reading ₱8 milyong ayuda para sa pagsuporta ng mga lokal na negosyo nakahandang ipamahagi ng DTI sa Visayas

Hindi bababa sa 20 mga biyahe ng barko sa Cebu, kanselado dahil sa bagyong Aghon

Nasa 21 mga biyahe ang kinansela simula kaninang alas 6 ng umaga matapos itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga ilang bayan at lungsod sa northern Cebu dahil sa bagyong Aghon. Ayon sa mga abiso ng iba’t ibang shipping lines at ng Cebu Port Authority (CPA), karamihan ng mga kanseladong biyahe ay… Continue reading Hindi bababa sa 20 mga biyahe ng barko sa Cebu, kanselado dahil sa bagyong Aghon

NEA, inalerto na ang mga Electric Cooperative na maapektuhan ni bagyong Aghon

Inabisuhan na ng National Electrification Administration (NEA) ang mga electric cooperative na paghandaan ang pananalasa ni bagyong Aghon. Ayon sa NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department, kailangang handa na ang contingency measures ng mga EC upang maibsan ang epekto ng bagyo sa power distribution service sa mga consumer. Kinakailangan na ng mga ito na i-activate… Continue reading NEA, inalerto na ang mga Electric Cooperative na maapektuhan ni bagyong Aghon

Pagtulong sa mga refugee, asylum seeker, at stateless persons sa bansa, sentro ng naging pulong ng DOLE at UNHCR

Muling pinagtibay ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang pangako ng kagawaran sa pagtulong para sa local integration ng mga indibidwal tulad ng mga refugee, asylum seeker, at stateless persons sa bansa sa pamamagitan ng iba’t iba nitong mga inistiyatiba. Ito ang naging pahayag ng DOLE Secretary matapos ang isinagawa pulong… Continue reading Pagtulong sa mga refugee, asylum seeker, at stateless persons sa bansa, sentro ng naging pulong ng DOLE at UNHCR

825 pasahero sa Bicol, stranded dahil sa bagyong Aghon

Kabuuang 825 pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa Bicol Region dahil sa bagyong Aghon. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol may kabuuang 825 na pasahero, 198 na rolling cargo, at 6 vessel ang na-stranded dahil sa bagyo. Kabilang dito ang 96 pasahero sa Port of Tabaco, 219 pasahero sa Port… Continue reading 825 pasahero sa Bicol, stranded dahil sa bagyong Aghon

Higit 24,000 student visa inisyu ng BI sa mga foreign nationals noong 2023

Tinatayang aabot sa 24,191 ang bilang ng mga student visa ang inisyu ng Bureau of Immigration (BI) para sa mga foreign nationals noong 2023, na nagpapakita umano ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ng lumalaking tiwala ng mga ito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Maliban dito, inihayag din ng BI Commissioner sa ginanap na… Continue reading Higit 24,000 student visa inisyu ng BI sa mga foreign nationals noong 2023

QCDRRMO, nakahanda na sa epekto ng bagyong Aghon

Nagpapatupad na ng mga paghahanda ang Quezon City government sa posibleng epekto na dala ngbagyong Aghon. Ayon sa LGU, nagsasagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office. Ilang kagamitan at rescue boats ang inihanda ng QCDRRMO para sa low-lying communities sa lungsod. Sa kasalukyan, nasa Yellow Alert ang QCDRRMO… Continue reading QCDRRMO, nakahanda na sa epekto ng bagyong Aghon