Zero maritime casualty, target ng Coast Guard sa pagtama ng Bagyong #AghonPH sa bansa

Inatasan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng concerned PCG District Commanders na siguraduhin ang zero maritime casualty sa panahon ng pagtama ng Bagyong Aghon sa Pilipinas. Ayon naman kay PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, handa na ang mga deployable response groups at rescue assets nito… Continue reading Zero maritime casualty, target ng Coast Guard sa pagtama ng Bagyong #AghonPH sa bansa

Biyahe ng mga pampublikong transportasyon, naantala dahil sa Bagyong Aghon

Suspindido ang biyahe ng ilang bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa patuloy na epekto sa panahon ng Bagyong Aghon. Sa huling anunsiyo ng PITX, walang biyahe ngayong araw ang bus company na Roro Bus na biyaheng San Jose, Mindoro hanggang sa huling dapat na biyahe nito ng 8:00 ng gabi, gayundin ang… Continue reading Biyahe ng mga pampublikong transportasyon, naantala dahil sa Bagyong Aghon

Monumento ni Rizal, pinailawan ng kulay berde bilang pakikiisa ng bansa sa Africa Day

Pinailawan ng kulay berde ang bantayog ni Gat Jose Rizal kagabi sa Rizal Park sa Maynila bilang pakikiisa nito sa ika-61 anibersayo ng African Union (AU). Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing pagpapailaw ngayong taon ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at 55 miyembrong bansa ng African Union.… Continue reading Monumento ni Rizal, pinailawan ng kulay berde bilang pakikiisa ng bansa sa Africa Day

DSWD Region 2, nakapaghanda ng halos ₱140-M na halaga ng resources bilang tugon sa posibleng epekto ng bagyong Aghon

Tinitiyak ng DSWD Region 2 ang kahandaan at kasapatan ng resources nito sa pagtugon sa posibleng maaapektuhan ng Bagyong Aghon sa lambak-Cagayan. Base sa datos, umaabot sa halos ₱140 million ang halaga ng food and non-food items na naipwesto sa kanilang mga bodega sa limang lalawigan at maging yaong mga naka-preposition sa mga LGU. Nasa… Continue reading DSWD Region 2, nakapaghanda ng halos ₱140-M na halaga ng resources bilang tugon sa posibleng epekto ng bagyong Aghon

Nasa 500 na pamilya apektado sa pagtama ng Bagyong Aghon

Umabot sa kabuuang bilang na 513 na pamilya o katumbas ng 2,734 individuals ang naapektuhan ng pananalanta ng Bagyong Aghon habang papalakas ito at gumagalawa pa-Hilagang Kanluran ng bansa. Sa nasabing bilang nanatili sa 34 na pamilya o 523 individuals ang mga nasa evacuation center pa rin sa mga panahon na ito. 469 families o… Continue reading Nasa 500 na pamilya apektado sa pagtama ng Bagyong Aghon

Higit 1,900 na atleta mula sa buong Visayas maglalaban sa Philippine ROTC Games Visayas Leg sa Bacolod City

Higit 1,900 na atleta mula sa tatlong rehiyon ng Visayas ang magpapakitang gilas sa Visayas Leg ng Philippine ROTC Games na binuksan ngayong Mayo 26 sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City, Negros Occidental. Ayon sa Carlos Hilado Memorial State University, ang host school ng Philippine ROTC Games Visayas Leg, may 1,938 na kadete… Continue reading Higit 1,900 na atleta mula sa buong Visayas maglalaban sa Philippine ROTC Games Visayas Leg sa Bacolod City

Consolidation ng mga mangingisda, iminungkahi upang makakuha ng mas murang pautang sa gobyerno

Iminungkahi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na magkaroon ng mala-PUV modernization program ang mga mangingisda ng Zambales. Sa ginawang public consultation sa Masinloc Zambales kasama ang nasa limang daang mangingisda, sinabi ng mambabatas na maaaring bumuo ng kooperatiba ang mga mangingisda para makakuha ng pautang sa mas mababang interes na magagamit sa modernisasyon ng kanilang… Continue reading Consolidation ng mga mangingisda, iminungkahi upang makakuha ng mas murang pautang sa gobyerno

Mga mangingisda ng Zambales, humiling ng tulong pang-seguridad sa kanilang pagpalaot sa nalalapit na implementasyon ng China ng ‘arrest policy’

Umapela ang ilan sa mga mangingisda ng Zambales sa mga kongresista na iparating ang kanilang hiling na magkaroon din ng seguridad sa kanilang paglalayag papuntang Bajo de Masinloc. Nangangamba kasi sila na pagsapit ng June 15 ay ipapatupad na ng China ang polisiya nito na arestuhin at ikulong ang mga dayuhan na iligal na papasok… Continue reading Mga mangingisda ng Zambales, humiling ng tulong pang-seguridad sa kanilang pagpalaot sa nalalapit na implementasyon ng China ng ‘arrest policy’

Bagyong Aghon, malaki ang epekto sa Lucena at Quezon

Malaki ang epekto ng Bagyong Aghon sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon batay sa monitoring ng RP1 Lucena. Sa Pagbilao Quezon, isang bahay ang nalipad ang bubong kaninang umaga dahil sa lakas ng hangin at ulang dala ng bagyo. Tumaas na rin ang tubig-baha sa Lopez Quezon habang minomonitor ng MDRRMO ang Lolong… Continue reading Bagyong Aghon, malaki ang epekto sa Lucena at Quezon

Mahigit 6,000 na mga pasahero na-stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa Bagyong Aghon

Tinatayang umabot sa bilang na 6,367 na mga pasahero mula sa iba’t ibang pantalan na apektado ng Bagyong Aghon ang na-stranded simula kagabi dahil sa masamang panahon. Sa pinakahuling tala ng Philippine Ports Authority (PPA), as of 9:00pm, pinakamaraming stranded sa terminal at pantalang sakop ng Port Management Office (PMO) Bicol sa 3,221; na sinusundan… Continue reading Mahigit 6,000 na mga pasahero na-stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa Bagyong Aghon