11 backhoes-on-barge, ipinagkaloob ng DENR sa mga LGU para sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na linisin ang mga ilog at daluyan ng tubig na dumadaloy sa Manila Bay, nagkaloob ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 11 unit ng backhoes-on-barge sa mga lokal na pamahalaan. Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, mahalagang tandaan na ang malinis na ilog ay… Continue reading 11 backhoes-on-barge, ipinagkaloob ng DENR sa mga LGU para sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Suspek sa pamamaril sa Edsa-Ayala tunnel, iprinisinta ni Sec. Abalos sa Camp Crame

Iprinisinta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Camp Crame ang suspek sa pamamaril at pagpatay kahapon ng driver ng Toyota Innova sa Edsa Ayala tunnel sa Makati. Kinilala ni Abalos ang suspek na si Gerrard Raymond Yu, na inaresto kaninang alas-7 ng umaga sa kanyang tirahan sa… Continue reading Suspek sa pamamaril sa Edsa-Ayala tunnel, iprinisinta ni Sec. Abalos sa Camp Crame

Sen. Gatchalian: Panukalang franchise renewal ng Meralco, pagkakataon para silipin ang performance ng kumpanya

Magsisilbing pagkakataon para sa Mataas na Kapulungan na busisiin ang performance ng Manila Electric Company (Meralco) ang submission para sa renewal ng prangkisa ng kumpanya. Sa ngayon kasi ay nakabinbin na ang House Bill 9813, na layong palawigin ang prangkisa ng Meralco na nakatakda nang mag-expire sa taong 2028. Para kay Gatchalian, ang magiging pagsalang… Continue reading Sen. Gatchalian: Panukalang franchise renewal ng Meralco, pagkakataon para silipin ang performance ng kumpanya

Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Aghon, umabot na sa P57.5 milyon – DA  

KNOCKED DOWN. Strong winds brought about by Typhoon Aghon fell trees in San Juan, Batangas on Sunday (May 26, 2024). The province was still under Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 as of Sunday night but was cleared by Monday morning. (PNA photo by Avito Dalan)

Umabot na sa P57.5 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at mga pangisdaan dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon. Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga napinsala ang 1,995 metriko toneladang palay, mais, at high value crops, at 165 na mga hayop sa CALABARZON at MIMAROPA. Napinsala rin ang mga… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Aghon, umabot na sa P57.5 milyon – DA  

Bagong modus ng ilang UV Express na ‘tapal modus,’ nahuli sa anti-colorum operation ng DOTr-SAICT

Sa mas pinalakas na operasyon kontra-kolorum ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT). Isang UV Express na may pekeng body markings ang nahuli sa operasyon ng SAICT sa Makati kagabi dahil sa ‘tapal modus.’ Sa naturang modus tinatapalan ang markings ng sasakyan ng ibang ruta para makabiyahe sa ibang lugar. Ayon… Continue reading Bagong modus ng ilang UV Express na ‘tapal modus,’ nahuli sa anti-colorum operation ng DOTr-SAICT

Pangulong Marcos Jr., nasa Singapore na para sa nakatakdang pakikibahagi sa International Institute for Strategic Studies Dialogue

Eksakto alas-4:52 ng hapon (May 29), lumapag sa Changi Airport VIP Complex sa Singapore ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ay para sa gagawing pakikibahagi ng Pangulo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Dialogue sa Biyernes (May 31), kung saan magsisilbing keynote speaker ang Pangulo. Sa diyalogong ito, pag-uusapan ang… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nasa Singapore na para sa nakatakdang pakikibahagi sa International Institute for Strategic Studies Dialogue

Sen. Villanueva, nangangambang maging parang ‘drive thru’ na lang ang kasal kapag naisabatas ang divorce

Ipinahayag ni Senador Joel Villanueva ang kanyang pagtutol sa Divorce bill na aprubado na sa Kamara. Pangamba ni Villanueva, baka maging ‘drive thru’ o mabilisan na lang ang pagsasawalang bisa ng kasal sa bansa kapag naaprubahan at naisabatas ang Absolute Divorce bill. Giniit ni Villanueva na isang kilalang Christian, dapat isipin kung ano ang magiging… Continue reading Sen. Villanueva, nangangambang maging parang ‘drive thru’ na lang ang kasal kapag naisabatas ang divorce

Suporta ni Finance Sec. Recto sa pagpapababa ng taripa ng bigas, ipinagpasalamat ni Speaker Romualdez

Malaki ang pasasalamat ni Speaker Martin Romualdez sa pagtalima ni Finance Secretary Ralph Recto sa naging kasunduan ng mga House leader kasama ang Department of Finance (DOF) at Department of Agriculture (DA) na bawasan ang ipinapataw na taripa sa bigas. Kasunod ito ng pulong nina Romualdez at Recto kasama rin sina Agriculture Secretary Francisco Tiu… Continue reading Suporta ni Finance Sec. Recto sa pagpapababa ng taripa ng bigas, ipinagpasalamat ni Speaker Romualdez

Pilipinas, walang inaasahang pagbabago sa relasyon nito sa Singapore sa ilalim ng bagong Singaporean Prime Minister

Photo courtesy of PTV

Mananatili ang mainit na balikatan ng Pilipinas at Singapore sa ilalim ng kapanunumpa lamang na si Prime Minister Lawrence Wong. Pahayag ito ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig, nang tanungin kung ano ang inaasahan ng pamahalaan sa mga bagong lider ng Singapore. Sa harap na rin ito ng nakatakdang pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R.… Continue reading Pilipinas, walang inaasahang pagbabago sa relasyon nito sa Singapore sa ilalim ng bagong Singaporean Prime Minister

PAGASA, opisyal nang idineklara ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan matapos maabot ang criteria sa dami ng ulan sa nakalipas na mga araw. Ayon sa PAGASA, dahil na rin sa mga thunderstorm at habagat, umabot na sa itinakdang pamantayan ang dami ng ulan na naitala. Samantala, sinabi ng PAGASA na may posibilidad na magsimula… Continue reading PAGASA, opisyal nang idineklara ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan