Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi iniimbestigahan ng AFP ang naka-leave na Wescom Chief Vice Admiral Alberto Carlos.
Sa ambush interview kasunod ng closing Ceremony ng Balikatan Exercise sa Camp Aguinaldo kaninang umaga, binigyang diin ni Col. Padilla na nirerespeto ng AFP ang karapatan ni VAdm. Carlos na mag personal leave.
Hindi narin aniya papatulan ng AFP ang naratibo ng Chinese embassy na naguuganay kay VAdm. Carlos sa sinasabing kasunduan o “new model” patungkol sa Ayungin Shoal.
Giit ni Col. Padilla mas marami pang mahahalagang isyu na kinakaharap ang bansa.
Una naring sinabi ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. na hindi na dapat pag-ukulan ng pansin ang pahayag ng Chinese embassy dahil mistula itong “malign influence effort” ng Chinese Communist Party (CPP). | ulat ni Leo Sarne